Agila Pilipinas

PNK Little Chef isinagawa sa Pangasinan

Nagpagalingan sa pagluluto ang mga kabtaang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan sa isinagawang pa-contest na tinawag nilang PNK Little Chef. Layunin ng programang ito na malinang ang kakayahan ng mga batang Iglesia Ni Cristo ukol sa tamang paghahanda ng pagkain at masanay silang kumain ng wastong pagkain. Natuwa naman ang mga hurado ng nasabing patimpalak sapagkat ang inihanda ng mga PNK little chef ay masustansya at masarap.

Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng clean up drive sa Virac, Catanduanes

CATANDUANES — Masiglang nakipagkaisa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isinagawang clean up drive sa coastline ng Virac, Catanduanes. Layunin ng community service na maipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan lalo na at tumitindi na ang epekto ng El Niño sa iba’t-ibang panig ng bansa. Layunin din na mapanatili ang kagandahan ng puting baybayin na isa sa mga magagandang atraksiyon sa probinsya ng Catanduanes (Eagle News Service, Ace Casper De Vera, Report by Viel […]

Mga kawani at opisyal ng NFA humirit ng 16 libong national minimum wage

Nagpahayag ng pagka dismaya sa gobyerno ang maraming kawani at opisyales ng National Food Authority (NFA) na nagsagawa ng pagtitipon-tipon sa NFA Gulayon, Dipolog City, kahapon. Sa naturang pagtitipon na pinangunahan ni National Officer of NFA and Employees Association, Max Torda, nanawagan sa gobyerno ni President Aquino ang mga kawani at opisyales ng NFa na nagmula pa sa Region 1 hanggang Caraga Region at Zamboanga peninsula na gawing makatarungan at pantay-pantay ang pag-omento sa sahod.

PWD Paralympics isinagawa sa Pampanga

Nasa humigit kumulang dalawang daang PWD ang lumahok sa kauna-unahang Paralympic Games sa Mabalacat City, Pampanga. Ang mga nanalo sa palaro ay ilalaban naman sa regional games at national games at maari pang makasali sa International Paralympics Games na gagawin sa Singapore sa Abril. (Eagle News Service Described by Jay Paul Carlos, Video Editing by Jericho Morales, Uploaded by MRFaith Bonalos)