Dalawang lalaki na nagpanic dahil sa aftershock, tumalon mula sa tinutulayang hotel

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Tumalon ang dalawang lalaki mula tinutuluyang dahil sa takot ng yanigin ng 5.4 magnitude na aftershock ang Ormoc City nitong Lunes, July 10. Nakilala ang dalawa na sina Edgar Tabaco, 46 taong gulang at Alexander Balang, 45 taong gulang na kapuwa taga-Quezon City.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa at stable na ang kanilang kalagayan. Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa ospital.

Samantala, dali-daling naman inilabas ng mga kawani ng Ormoc Doctor’s Hospital ang kanilang mga pasyente sa pangambang tumagal ang 5.4 magnitude aftershock.

Kimberly Urboda – Eagle News Correspondent, Ormoc City, Leyte