Klase sa Ormoc at Tacloban, suspendido dahil sa lindol

ORMOC CITY, Leyte  (Eagle News) – Walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Ormoc City at Tacloban City dahil sa lindol. Ayon kay Tacloban City Mayor Cristina Gonzales, magsasagawa muna ng inspeksyon ang mga engineer sa mga school buildings upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante. Bukod sa mga eskwelahan, iinspeksyunin din ang lahat ng gusali sa lungsod.

Samantala sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na magsasagawa rin sila ng pag-iinspeksyon sa mga gusali kung kaya sinuspendi rin ang pasok bukas sa lahat ng lebel. Bukas na rin aniya ang Incident Command Center sa Ormoc City Hall Grounds.