Isang bangkay, natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Cavite


IMUS, Cavite (Eagle News) — Isang bangkay ang natagpuang lumulutang lutang sa isang ilog sa Cavite kamakailan.

Agad rumesponde ang kapulisan nang makatanggap ng tawag patungkol sa bangkay sa Julian River, Barangay Bucandala 1, Imus.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, isang mangingisda ang nakakita sa katawan na lumulutang bandang 500 metrong layo sa Julian Bridge.

Walang agad na masabi ang mga awtoridad na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sa kasalukuyan, ang bangkay ay dinala sa Funeraria Mesina habang patuloy ang imbestigasyon.

(Jen Atienza Ortiz – Eagle News Correspondent)