Tag: Bagyong Samuel

Klase sa pribado at pampublikong paaralan sa Negros Occidental kanselado na dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Pormal ng inihayag ng ilang local government units (LGUs) ang pagsususpendi ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ng Negros Occidental ngayong araw, Nobyembre 21 dahil sa masamang panahon na dala ng tropical depression “Samuel.” Ang mga nagsuspinde na ng kanilang klase mula Pre-School hanggang College at ito ay ang mga sumusunod: • Bacolod City • Silay City • Toboso • Pulupandan • La Castellana • Moises Padilla […]

Epekto ng bagyong Samuel nararamdam na sa Agusan del Norte; klase sa lahat ng antas suspendido na

(Eagle News) — Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa parehong pambupliko at pribadong paaralan sa Agusan del Norte. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat residente sa maaaring maging banta at dalang panganib ng Bagyong Samuel. Kasalukuyan nakasailalim sa Signal Number 1 ang buong lalawigan ng Agusan del Norte. Maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan ang nararanasan ngayon partikular na sa Butuan City. Samantala, inabisuhan na ng Office […]

Bagyong Samuel ramdam na ang epekto sa probinsya ng northern Samar

(Eagle News) — Nakakaranas ngayon ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang buong probinsya ng Northern Samar dulot ng bagyon Samuel. Sa ngayon ay nakataas na ang Typhoon Signal No. 1 ang buong probinsya. Maaga pa lang ay kanselado na ang lahat klase mula Elementarya hanggang High School.Wala pa namang naiiulat na pagbaha sa mga lugar malapit sa mga ilog at baybaying dagat. Dahil sa nagbabadyang pagpasok ng bagyo, kagabi pa lamang ay kanselado na biyahe ng […]

Misamis Oriental, itinaas na sa blue alert status dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Matapos isailalim sa signal number 1, itinaas sa buong Misamis Oriental ang blue alert status dahil sa bagyong Samuel. Kanselado na ang klase sa Pre-School Level sa Cagayan De Oro at pinagbawalan maglayag ang mga barko na sa buong northern Mindanao. Activated na rin ang Incident Management Team at Emergency Operations Center ng Cagayan De Oro para kaagad tumugon sa mga kailangan kaugnay sa bagyong Samuel. Samantala, 72 na pamilya naman sa […]

8 barangay sa Surigao City isinailalim na sa preemptive evacuation dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Isailalim na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Surigao City ang walong barangay sa lalawigan dahil sa patuloy na epekto ng bagyong “Samuel.” Kabilang sa walong barangay ay ang Barangay Luna, Washington, San Juan, Sabang, Punta Bilar, Ipil, Lipata at Mabua. Bumuo naman ng clusters ang CDRRMC para matugunan ang pangangailangan ng walong lugar. Nagpalabas na rin ng mga hotline number para maging gabay ng mga Surigaonon sa panahon […]