Bagyong Samuel ramdam na ang epekto sa probinsya ng northern Samar

(Eagle News) — Nakakaranas ngayon ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang buong probinsya ng Northern Samar dulot ng bagyon Samuel.

Sa ngayon ay nakataas na ang Typhoon Signal No. 1 ang buong probinsya.

Maaga pa lang ay kanselado na ang lahat klase mula Elementarya hanggang High School.Wala pa namang naiiulat na pagbaha sa mga lugar malapit sa mga ilog at baybaying dagat.

Dahil sa nagbabadyang pagpasok ng bagyo, kagabi pa lamang ay kanselado na biyahe ng lahat sasakyang pang-dagat. Dahil dito aabot sa mahigit 400 byahero ngayon ang stranded sa mga pantalan ng probinsya ng Northern Samar.

Pila na rin ang mga pampasaherong bus, truck at mga light vehicle sa bawat pantalanan sa nasabing probinsya. Bukod pa rito ay kinansela na rin ang byahe ng eroplano.

Samantala sa nakuhang informasyon kay Matnog Terminal Manager Efren Tumacas bandang 12:00 ng tanghali ay aabot na sa 21 light cars, 15 buses, at 11 trucks ang nasa loob ng Ferry Terminal at aabot na sa 350 passengers ang stranded ngayon sa terminal. (Eagle News Samar Bureau Arnel Bello)