Misamis Oriental, itinaas na sa blue alert status dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Matapos isailalim sa signal number 1, itinaas sa buong Misamis Oriental ang blue alert status dahil sa bagyong Samuel.

Kanselado na ang klase sa Pre-School Level sa Cagayan De Oro at pinagbawalan maglayag ang mga barko na sa buong northern Mindanao.

Activated na rin ang Incident Management Team at Emergency Operations Center ng Cagayan De Oro para kaagad tumugon sa mga kailangan kaugnay sa bagyong Samuel.

Samantala, 72 na pamilya naman sa Surigao City ang inilikas ng mga otoridad kasabay nang pagsususpendi ng pasok sa lungsod ngayong araw na ito.

Tuluy-tuloy pa ang pre-emptive evacuation sa nasabing lungsod partikular sa mga flood at landslide prone areas lalo na sa mga barangay ng San Juan, Sabang, Lipatam Punta Bilar, Ipil, Mabua, Luna at Washington.

Binuhay na ng DILG-CARAGA ang Disaster Monitoring and Reporting System nito at inirekomenda sa lahat ng ahensya ang pag-activate sa barangay Disaster Risk Reduction Management Council.

Samantala, inaasahan namang maglalandfall ang bagyong Samuel sa Samar-Leyte-Dinagat mamayang gabi.