Klase sa pribado at pampublikong paaralan sa Negros Occidental kanselado na dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Pormal ng inihayag ng ilang local government units (LGUs) ang pagsususpendi ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ng Negros Occidental ngayong araw, Nobyembre 21 dahil sa masamang panahon na dala ng tropical depression “Samuel.”

Ang mga nagsuspinde na ng kanilang klase mula Pre-School hanggang College at ito ay ang mga sumusunod:
• Bacolod City
• Silay City
• Toboso
• Pulupandan
• La Castellana
• Moises Padilla
• Victorias City
• E.B. Magalona
• Valladolid
• Bago City
• Cadiz City
• Sagay
• San Carlos City

Suspendido na din ang mga biyaheng pandagat mula pa noong Lunes ng hapon dahil sa masamang panahon. Dahil dito ay marami ang stranded at pansamantalang natutulog sa pantalan.

May mga ilang lugar na din sa probinsya ang binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na abot hanggang tuhod ang taas ng tubig.

Patuloy naman nakaalerto ang lahat ng LGUs sa buong lalawigan at patuloy rin ang pagmomonitor sa mga area na binabaha at sa maaari pang maidulot ng nasabing bagyo. (Eagle News Negros Occidental Bureau Christine Semillano)