Provincial News

Maaliwalas na panahon naramdaman na ng Abra pagkatapos ng bagyong “Ferdie”

BANGUED, Abra (Eagle News) – Maaliwalas na ulit ang panahon sa lalawigan ng Abra pagkatapos lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie. Wala namang naiulat na casualties bunga ng nagdaang bagyo. Masigla na ulit ang kalakalan sa Bangued, Abra. May pasok na rin ulit sa lahat ng level ng paaralan sa lalawigan mula pre-school hanggang college. Hindi rin nakaapekto ang nagdaang bagyo sa halaga ng mga bilihin. Hindi rin tumaas ang langis at namamalagi pa rin dating presyo. […]

Bomb drill isinagawa ng Barobo PNP, Surigao del Sur

BAROBO, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng isang bomb explosion drill ang Barobo Municipal Police Station sa Barobo Integrated Bus and Jeepney Terminal. Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Manolo Andrew M. Caoille, OIC, COP, kasama ang mga kapulisan at may coordination din sa iba’t ibang lokal na ahensya. Ayon sa impormasyon, ang isinagawang aktibidad ay properly coordinated. Dinaluhan din ito ng mga representative at personalities na galing sa; Search and Emergency Response Team of […]

Epekto ng bagyong Ferdie naramdam na sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) — Dahil sa epekto ng bagyong Ferdie nakaranas ang lalawigan ng Kalinga ng katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan. Pinapag-ingat naman ng Kalinga PDDRRMC ang mga mamamayan lalo na ang mga nasa landslide prone area sa mga posibleng pagguho ng lupa partikular na sa Upper Kalinga. Ayon kay Mr. Richard Anniban, officer in charge ng nasabing ahensiya, patuloy silang magsasagawa ng close monitoring lalo na sa mga lugar na malapit […]

“Welcome Kapatid Ko” masayang isinagawa ng mga kaanib sa INC sa Guadalupe, Makati City

GUADALUPE, Makati City (Eagle News) – Matagumpay at masayang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo mula sa lokal ng Guadalupe, Makati City ang isang aktibidad na “Welcome Kapatid Ko”. Ang aktibidad na ito ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa kasalukuyang nasa proseso ng pag-anib sa Iglesia na tinatawag na Dinudoktrinahan at Sinusubok. Layunin ng mga ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo na mabigyang halaga ang bawat kaanib lalo na ang mga nagsusuri […]

Isang pulis binangga ng motorsiklo habang nagmamando sa checkpoint

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) – Nabali ang binti at nagtamo ng mga sugat sa katawan si Police Senior Inspector Jericho Redon ng San Rafael, Bulacan nang banggain ng isang motorsiklo. Ayon sa mga pulis, pinahihinto ng biktimang pulis ang dalawang magkasunod na motorsiklo dahil walang suot na helmet ang mga sakay nito. Subalit binalewala lamang ng driver ang pulis ng naunang motor at dumiretso lamang ito. Ang driver ng ikalawang m0tor ay sinadyang aniyang banggain […]

Pagsabog ng isang mall sa Pampanga, pinabulaanan

PAMPANGA (Eagle News) – Pinabulaanan ng pangasiwaan ng isang Mall sa Pampanga ang kumakalat sa Social Media na di umano ay may naganap na pagsabog sa loob ng naturang establisyimento noong Lunes, September 12, 2016.   Niliwanag ng Mall Management na nahulog lang ang pressurized CO2 tank ng softdrinks ng Jollibee sa main building kaya may naganap na pagsalitsit ng naturang tanke. Subalit agad namang inagapan ng SM Engineering Team kaya naisaayos agad ang naturang CO2 […]

Checkpoint sa Davao City lalong pina-igting

DAVAO CITY (Eagle News) – Patuloy pa rin ang ipinatutupad na mahigpit na seguridad ng PNP Davao dahil sa nangyaring pambobomba sa Roxas Night Market. Bukod sa kabi-kabilang checkpoints, inaabisuhan ng mga awtoridad ang taong bayan na maging mapagmatyag at tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon laban sa masasamang elemento. Sinabi ng PNP na maaaring isumbong o idulog sa pinakamalapit na Police Station ang anumang kahina-hinalang tao o gamit. Maaari ring tumawag sa […]

School visitation isinagawa ng kapulisan sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur

CARRASCAL, Surigao del Norte (Eagle News) – Isinagawa ng kapulisan ang school visitation sa ilang Elementary and Secondary Schools sa Bayan ng Carrascal, Surigao del Sur. Ang layunin nila ay upang maiparating ang pagpapasalamat ng kapulisan tungkol sa aktibong pagsuporta ng mga staff ng eskwelahan sa mga aktibidad ng Philippine National Police (PNP) Municipal Station partikular sa isinusulong at ikinakampanyanya Kontra Krimen at iligal na Droga. Sa aktibidad na ito ay namahagi ang ilang personnel ng […]

Natagpuang backpack malapit sa isang restaurant sa San Pedro, Davao City naisauli na; PNP PRO 11 nagpaalala sa publiko

DAVAO CITY (Eagle News) – Agad rumesponde ang Davao City Police Office (DCPO) at Task Force (TF) Davao sa isang tawag ukol sa abandonadong backpack malapit sa isang restaurant sa San Pedro Street, Davao City bandang 7:30 ng umaga ng Lunes, September 12, 2016. Personal na pinangunahan ni PRO 11 Regional Director PCSupt Manuel R. Gaerlan ang response team at nagsagawa ng inventory ng mga gamit sa loob ng nasabing backpack. Masusing sinuri ng Explosive Ordnance Disposal […]

Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Dumagat, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo

BULACAN (Eagle News) – Walang sawa ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa pagsasagawa ng Lingap-Pamamahayag sa iba’t ibang lugar. Kamakailan ay nagsagawa ang mga kawani ng Iglesia Ni Cristo Engineering and Construction Department ng Lingap-Pamamahayag sa mga  katutubong Dumagat sa NPC Manalo Hills Village sa Angat Dam. Una nilang isinagawa ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Pinangunahan ni Bro. Artemio Francisco, ministro ng INC at ni Bro. Felix Bautista, Assistant District Minister ang pagtuturo ng […]

Mga dolphin napadpad sa baybaying-dagat ng Tangalan, Aklan  

TANGALAN, Aklan (Eagle News) — Tinatayang nasa isangdaan (100) mga dolphin na kasinglaki ng kalabaw ang nakita sa baybaying dagat ng Barangay Afga, Tangalan, Aklan. Tuwang -tuwa ang mga bantay-dagat maging ang mga residente sa lugar sa nasaksihan nilang maraming mga dolphin na napadpad sa nasabing dalampasigan. Ayon kay Glenda Sanchez, Municipal Environment ang Natural Resources Officer ng Tangalan, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na may nakitang ganito karaming mga  malalaking dolphin sa lugar. Posible daw […]