Bomb Explosion Drill isinagawa sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur

MARIHATAG, Surigao del Sur (Eagle News) – Isinagawa ng mga kapulisan sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur ang Bomb Explosion Drill. Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Wise Vicente Panuelos na siyang officer in charge. Isinagawa nila ito sa Municipal Hall ng Barangay Poblacion, Marihatag, Surigao del Sur.

Layunin ng ganitong aktibidad na ma-enhance ang kaalaman at kasanayan ng Philippine National Police Personnel sa pagresponde sa nasabing insidente at maturuan din ang publiko sa dapat gawin kung sakaling masuong sa ganitong sitwasyon.

Importante rin na maging mapagmasid, listo at mapagbantay ang sinuman para makaiwas at makapag-ingat sa ganitong gawain ng terorismo.

Courtesy: Dennis Revelo