Lingap-Pamamahayag isinagawa sa Pasay City Jail ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

PASAY CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo noong Lunes, September 20 sa inmates ng Pasay City Jail. Kasama itong dinaluhan nina Pasay City Vice Mayor Noel del Rosario, Konsehal Joey Calixto Isidro, at ang Jail Warden ng Pasay City Jail.

Pinangunahan naman ni Bro. Benjamin Ilustre ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay ipinakilala niya ang layunin ng Iglesia Ni Cristo sa pagsasagawa ng Lingap-Pamamahayag. Dinaluhan ito ng 110 inmates. Pagkatapos ng isinagawang Pamamahayag ay namahagi naman ang mga kaanib ng INC ng toiletries sa dumalong inmates.

Courtesy: Jun Paran – Pasay Correspondent

unnamed-2

unnamed-3

unnamed-4

unnamed-6

unnamed