First Aid Seminar ng DOH sa Bulacan kaugnay ng “World First Aid Day,” isinagawa

STA. ROSA, Marilao, Bulacan (Eagle News) — Bilang bahagi sa pagdiriwang ng “World First Aid Day” ay nagsagawa ng “First Aid Seminar” ang Department of Health (DOH) sa pangunguna ng Municipal Health Office at Sta. Rosa II Midwife, Audrea Ramirez, katuwang ang Marilao Rescue Team at Batang Marilenyo Coordinating Center sa Sta. Rosa Marilao Bulacan.

Itinuro sa mahigit 100 mga kabataang Marilenyo na ang edad ay 7-17 taong-gulang na nagmula sa barangay Sta. Rosa ll ang mga paunang lunas o first aid kung dumating ang mga sakuna at biglaang pangangailangan ng tulong.

Kasabay ng pagdiriwang ay namahagi din ng mga vitamins ang Municipal Health Office at sos kit ang marilao rescue team.

Eagle News Correspondent, Alejandro Soriano