Provincial News

Drug Awareness Seminar isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Maraming magulang at mga kabataan ang nakinabang sa isinagawang Drug Awareness Seminar ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon. Itinuro ng mga kinatawan ng Philippine National Police ang masamang dulot ng paggamit ng anumang ipinagbabawal na gamot at maging ang mga kasong kasasangkutan ng mga gagamit nito. Isinasgawa ang ganitong uri ng seminar upang lalong makaiwas ang lahat sa bawal na gamot at upang matulong na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa […]

20 suspected Abu Sayyaf bandits surrender in Basilan

(Eagle News)– Twenty suspected Abu Sayyaf Group (ASG) members under sub-leader Katatong Balaman a.k.a. “Tatong” surrendered on Thursday (September 22), the Armed Forces Western Mindanao Command said. Aside from the alleged bandits, the Sumisip-based bandits also surrendered their high-powered and locally made firearms. “This is the result of the relentless operation we are conducting where they suffered lots of casualties. These Abu Sayyafs now fear for their lives, leading to the surrender,” Westmincom quoted Army […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo isinagawa sa Silay, Negros Occidental

SILAY, Negros Occidental (Eagle News) – Hindi naging hadlang sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang masungit na panahon para isagawa ang Lingap-Pamamahayag kahapon, September 21. Isinagawa nila ito sa Hacienda Pula, Barangay E. Lopez, Silay, Negros Occidental na may mahigit isa at kalahating oras na biyahe mula sa centro ng lungsod. Pinangunahan ni Bro. Roy Corrales, ministro ng ebanghelyo, ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay binigyan diin niya kung sino ang iisang tunay na Diyos […]

1 Million Lapis Project ng CWC – Western Samar suportado ng PNP Calbayog

CALBAYOG CITY, Western Samar (Eagle News) – Suportado ng Calbayog City Police Station ang One Million Lapis Project ng Council for the Welfare of Children (CWC). Ang proyektong ito ay para sa selebrasyon ng National Children’s Month sa darating na Nobyembre. Ang programang ito ay napapaloob sa RA10661 “National Children’s Month Act Series of 2015.” Layunin ng proyektong ito ay para ikampanya ang karapatan ng mga kabataan sa edukasyon lalo na ang mga kabataan na hindi […]

Bagong motorsiklo at digital camera ipinamahagi sa 18 Municipal Police Station sa Antique

ANTIQUE (Eagle News) – Binigyan ng mga bagong motorsiklo at digital camera ang 18 Municipal Police Stations sa lalawigan ng Antique. Ito ay upang lalong makatulong sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa kani-kanilang lugar. Ipinamahagi ang mga nasabing kagamitan sa Evelio B. Javier Freedom Park na pinangunahan ni Police Senior Superintendent Louis Garong, provincial police director at ni Gov. Rhodora J. Cadiao. Ayon kay PSSupt. Garong, ang mga motorsiklo at digital camera na galing sa National […]

First Aid Seminar ng DOH sa Bulacan kaugnay ng “World First Aid Day,” isinagawa

STA. ROSA, Marilao, Bulacan (Eagle News) — Bilang bahagi sa pagdiriwang ng “World First Aid Day” ay nagsagawa ng “First Aid Seminar” ang Department of Health (DOH) sa pangunguna ng Municipal Health Office at Sta. Rosa II Midwife, Audrea Ramirez, katuwang ang Marilao Rescue Team at Batang Marilenyo Coordinating Center sa Sta. Rosa Marilao Bulacan. Itinuro sa mahigit 100 mga kabataang Marilenyo na ang edad ay 7-17 taong-gulang na nagmula sa barangay Sta. Rosa ll ang […]

Lektura tungkol sa Kontra Kriminalidad, Civillian Intelligence Network, at Project Double Barrel pinangunahan ng kapulisan

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng lektura ang kapulisan sa Tandag City, Surigao del Sur sa pangunguna ni PSInsp. Darwin Yu. Tinalakay sa nasabing lektura ang mga sumusunod; Kontra Kriminalidad Civillian Intelligence Network, Project Double Barrel Nasa 80 na miyembro ng Community Force Multipliers for Peace Inc. (CFMPI) na nakapaloob pa rin sa National Government Organizations. Nilalayon ng aktibidad na maisangkap pa ang mga kasanayan at kaalaman sa mga bawat komunidad […]

Lingap-Pamamahayag isinagawa sa Pasay City Jail ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

PASAY CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo noong Lunes, September 20 sa inmates ng Pasay City Jail. Kasama itong dinaluhan nina Pasay City Vice Mayor Noel del Rosario, Konsehal Joey Calixto Isidro, at ang Jail Warden ng Pasay City Jail. Pinangunahan naman ni Bro. Benjamin Ilustre ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay ipinakilala niya ang layunin ng Iglesia Ni Cristo sa pagsasagawa […]

Bomb Explosion Drill isinagawa sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur

MARIHATAG, Surigao del Sur (Eagle News) – Isinagawa ng mga kapulisan sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur ang Bomb Explosion Drill. Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Wise Vicente Panuelos na siyang officer in charge. Isinagawa nila ito sa Municipal Hall ng Barangay Poblacion, Marihatag, Surigao del Sur. Layunin ng ganitong aktibidad na ma-enhance ang kaalaman at kasanayan ng Philippine National Police Personnel sa pagresponde sa nasabing insidente at maturuan din ang publiko sa dapat gawin kung sakaling […]

Anti-illegal drugs campaign, pinangunahan ng PNP sa Hinatuan, Surigao del Sur

HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ang Hinatuan Municipal Police Station ng Drug Abuse and Prevention Lecture sa mga benepisyo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa dalawang magkahiwalay na Barangay ng Hinatuan, Surigao del Sur. Layunin ng ganitong aktibidad na lalo pang paigtingin ang kaalaman ng publiko tungkol sa masamang idudulot sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at ang programa ng Philippine National Police (PNP) Anti-illegal […]

Bagong Gusaling Sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Pampanga pinasinayaan

FLORIDABLANCA, PAMPANGA (Eagle News) – Patuloy na nadaragdagang ang mga gusaling sambahan na ipintatayo ng Iglesia ni Cristo sa iba’t ibang panig ng mundo. Nitong nakaraang Sabado, September 17, 2016 pinasinayaan ang bagong gusaling sambahan ng Lokal ng Sta. Monica sa Floridablanca, na  pinangunahan ni Bro. Bedan L. Ubaldo, Tagapangasiwa ng Distrito. Biyaya ang natanggap ng mga dumalo sa unang pagsamba na lalong nagpatibay sa kanilang pananampalataya upang maitaguyod ang kasiglahang espirituwal. Buong puso rin […]

Pagtatayo ng bagong barangay chapel ng INC sa Sta. Ana, Cagayan, sinimulan na

Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Sta. Ana, lalawigan ng Cagayan, ito ay ang lokal ng San Vicente, na nasasakupan ng Distrito eklesiastiko ng Cagayan East Eas. Maraming mga kapatid mula sa iba’t-ibang lokal sa naturang distrito ang nagsidating upang boluntaryong tumulong para sa gawaing ito ng Iglesia. Bakas sa mukha ng mga kaanib ng INC na tumulong sa naturang gawain ang kasabikan na sila’y  mabiyayaan […]