(Eagle News) — Pinangunahan ngayon ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang isinagawang pagtatapos ng may 186 mga drug surrenderees sa bayan ng Laoac lalawigan ng Pangasinan. Si Dela Rosa ay nagsilbing guest of honor and speaker sa pagbubukas ng bagong himpilan ng pulis sa bayan ng Laoac, kung saan ay ideneklara na isa nang ganap na drug cleared municipality ang bayan ng Laoac. Dito rin ay iprenesenta ang pagtatapos ng may 186 […]
Provincial News
Mga doktor, nagpa-alala ukol sa pabagu-bagong panahon
Nag-paalala ang mga doktor sa publiko na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa mabilis na pabagu-bagong panahon. Ayon sa spokesperson ng Lung Center of the Philippines, mas madaling magkaroon ng sipon, allergic rhinitis at upper respiratory tract infection dahil sa pabagu-bagong panahon. Anila, hangga’t maaari ay umiwas muna sa mga taong may sakit upang hindi mahawa at huwag mag-self medicate. Batay sa kanilang datos, halos pareho na ang bilang ng out-patients sa nag-daang malamig na […]
Misamis Oriental issues travel warning to tourists
(Eagle News) — The provincial government of Misamis Oriental has warned local and foreign tourists against travelling to tourist destinations in the province. Provincial tourism officer, Yvonne Waga, also discouraged tourists from climbing mountains in the areas affected by continuous operations by the military. Waga said that this is to ensure the safety and security of the local and foreign visitors. On February 27 and 28, two soldiers were killed and three others were hurt after the National People’s Army […]
Libreng medical at dental mission sa T. Sora, Quezon City, isinagawa
QUEZON CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng medical at dental mission ang mga kawani ng Quezon City Health Unit sa SB Park Covered Court sa Brgy. Tandang Sora noong Miyerkules, Marso 1. Nagsimula ang nasabing aktibidad bandang 8:00 ang umaga hanggang 3:00 ng hapon. Maraming residente ng naturang barangay at karatig barangay ang nabigyan ng libreng konsultasyon sa sakit, mga gamot, at bunot ng ngipin. Karamihan sa mga dumalo ay maituturing na kapos din sa pangangailangan […]
Paghahanda para maiwasan ang baha, sinimulan na ng MMDA
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang taunang paghahanda sa posibleng pagbaha sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Nilinis nila ang mga baradong kanal, creek at estero na isa sa mga dahilan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Ayon sa MMDA, ilan sa mga flood-prone area sa bahagi ng Quezon City ay ang Brgy. Doña Imelda, Brgy. Damayang Lagi, Brgy. Tatalon, at Brgy. Talayan. Nilinis rin nila […]
Rio Grande de Cagayan, patok na pasyalan ngayon summer
(Eagle News) — Tuwing papalapit ang buwan ng bakasyon, nakasanayan na nating mga Pilipino ang humanap ng mga lugar pasyalan. Kaya naman, bakit hindi natin subukan ang natatanging ganda ng Cagayan River? Kilala sa tawag na Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas dahil binubuo nito ang apat na probinsya kagaya ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan. Ngunit alam nyo ba na bukod sa baybayin nito na karaniwang dinarayo ng mga turista […]
National Oral Health Month celebration isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija
BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) – Bago natapos ang buwan ng Pebrero ay ginunita at ipinagdiwang ang National Oral Health Month ng Pamahalaang Lokal ng Bongabon, Municipal Health Office, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Department of Health (DOH). Isinagawa nila ito sa Bongabon Town Plaza noong Martes ng umaga February 28. Ang nasabing event ay may temang “Ngiping inaalagaan at pinagyayaman, hatid ay ngiting di kukupas kailanman”. Dinaluhan ito ng mga Day Care Student mula sa […]
Mahigit 2,000 katao nakilahok sa isinagawang 17th Orani Water Dragon Run
ORANI, Bataan (Eagle News) – Mahigit 2,000 katao ang nakilahok sa 17th Orani Water Dragon Run. Isinagawa ito sa Orani, Bataan. Madaling araw pa lamang ay dumating na ang maraming participants. Taun-taon ay idinadaos ito para makalikom ng pondo upang patuloy na maprotektahan ang Tala watershed. Mula sa nalilikom na pondo ay nagtatanim sila ng seedlings sa Brgy. Tala na siyang pinagkukuhanan ng tubig ng Orani maging ng mga karatig bayan nito. Pinangunahan ni Mayor Efren Bonjong […]
MASA MASID Program inilunsad ng DILG sa Zamboanga del Norte
DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Egle News) – Inilulsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang programang Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID). Isinagawa ang MASA MASID launching sa Commercial Complex, Boulevard, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakailan. Dinaluhan ito ng mga sumusunod: Local at Provincial Government DILG Mga Punong Barangay Dipolog PNP PDEA Multi-sectoral and Religious Groups Iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan. Ang naturang programa ay […]
Livelihood seminar isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon
REAL, Quezon (Eagle News) — Nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng libreng seminar sa pag-aalaga ng red tilapia na maaaring ilagay sa mga tangke o maliliit na drum. Ito ay tulong na rin sa mga kababayan sa Real, Quezon bilang alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka at mangingisda. May pagkakataon aniya na kapag masama ang panahon, ang mga magsasaka ay nasa bahay lamang at ang mga mangingisda ay hindi maaring pumalaot upang mangisda. Ang nasabing […]
Freedom Rally sa Davao City, dinagsa ng Duterte supporters
(Eagle News) — Dinagsa ng President Rodrigo Duterte supporters ang freedom rally against crime, corruption and illegal drugs na isinagawa sa Rizal Park, San Pedro St. Davao City. Ang Davao City “Defend Our Freedom” rally ay dinaluhan ng mga taga suporta ni Pangulong Duterte na nagmula pa sa iba’t-ibang rehiyon sa Mindanao. Ang aktibidad ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta sa programa ng gobyerno na labanan ang korupsyon, droga at kriminalidad. Nagsimula ito ng […]
Kilos-protesta, isinagawa ng mga militanteng grupo sa US Embassy
METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Nagkilos protesta ang mga militanteng grupo na mga miyembro ng KADAMAY at Urban Poor Organization sa U.S. Embassy nitong Sabado, February 25. Inakupa nila ang kanto ng United Nations Avenue at Roxas Boulevard patungo sa U.S. Embassy. Agad namang sinalubong ang grupo ng mga pulis na kabilang sa Crowd Dispersal Team ng Manila Police District. Dito na nagtipon-tipon ang mga miyembro ng nasabing grupo na mula sa iba’t ibang lugar. […]





