Provincial News

News in Photos: Naging pagdalaw ni Pangulong Duterte sa kaniyang apo na si Stonefish

DAVAO CITY (Eagle News) – Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang anak at sa bagong apo na tinawag na “Stonefish” kagabi, Marso 2 sa Davao Doctors Hospital. Ang ibig sabihin ng stonefish sa Cebuano ay “Isda sa Bato” subalit ang tunay na pangalan ng sanggol ay Marko Digong Duterte Carpio. Pangatlong anak na ito ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Atty. Manases Carpio. Kitang-kita naman ang kasiyahan ni Pangulong Duterte sa pagkakaroon nito ng […]

10 pakete ng dried marijuana natagpuan ng mga mangingisda sa Tandag City

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Agad na nagsagawa ng ocular investigation ang PNP sa pangunguna ni PCI Rey Sorreda ng makatanggap sila ng tawag na mayroon di umanong dried marijuana leaves ang natagpuan sa Barangay Buenavista, Tandag City. Ayon sa mga nakakita na sina Edmar Jumanoy at Yong Yong Macarayo kapuwa mangingisda, habang sila ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may napansin silang malaking blue plastic container na nakalutang malapit sa […]

Whistle for Protection Campaign para sa children with disability isinagawa sa Roxas City, Capiz

ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nagsagawa ng Whistle for Protection Campaign ang Child Inc., at Child Fund katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas City, Capiz, isinagawa ito sa Dinggoy Roxas Civic Center noong February 28, 2017. Dinaluhan ito ng mga kabataan at maging ng mga batang mayroong kapansanan. Layunin nito na maprotektahan at mapangalagaan ang mga kabataan lalo na ang mga children with disability at makatipon ng pondo para sa mga ito. Kasama […]

P25 wage increase sa Region 6 at Negros, aprubado na 

(Eagle News) — Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang 25.00 pesos na karagdagang sahod bawat araw ng mga minimum wage earners sa Western Visayas at Negros Occidental. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 OIC Regional Director Salome Siaton na siya ring chairperson ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, resulta ito ng serye ng konsultasyon at public hearings sa mga employer at manggagawa. Ngunit nilinaw ng […]

PNP Chief Dela Rosa, pinangunahan ang pagtatapos ng 180 drug surrenderees sa Pangasinan

(Eagle News) — Pinangunahan ngayon ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang isinagawang pagtatapos ng may 186 mga drug surrenderees sa bayan ng Laoac lalawigan ng Pangasinan. Si Dela Rosa ay nagsilbing guest of honor and speaker sa pagbubukas ng bagong himpilan ng pulis sa bayan ng Laoac, kung saan ay ideneklara na isa nang ganap na drug cleared municipality ang bayan ng Laoac. Dito rin ay iprenesenta ang pagtatapos ng may 186 […]

Mga doktor, nagpa-alala ukol sa pabagu-bagong panahon

Nag-paalala ang mga doktor sa publiko na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa mabilis na pabagu-bagong panahon. Ayon sa spokesperson ng Lung Center of the Philippines, mas madaling magkaroon ng sipon, allergic rhinitis at upper respiratory tract infection dahil sa pabagu-bagong panahon. Anila, hangga’t maaari ay umiwas muna sa mga taong may sakit upang hindi mahawa at huwag mag-self medicate. Batay sa kanilang datos, halos pareho na ang bilang ng out-patients sa nag-daang malamig na […]

Misamis Oriental issues travel warning to tourists

(Eagle News) — The provincial government of Misamis Oriental has warned local and foreign tourists against travelling to  tourist destinations in the province. Provincial tourism officer, Yvonne Waga, also discouraged tourists from climbing mountains in the areas affected by continuous operations by the military. Waga said that this is to ensure the safety and security of the local and foreign visitors. On February 27 and 28, two soldiers were killed and three others were hurt after the National People’s Army […]

Libreng medical at dental mission sa T. Sora, Quezon City, isinagawa

QUEZON CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng medical at dental mission ang mga kawani ng Quezon City Health Unit sa SB Park Covered Court sa Brgy. Tandang Sora noong Miyerkules, Marso 1. Nagsimula ang nasabing aktibidad bandang 8:00 ang umaga hanggang 3:00 ng hapon. Maraming residente ng naturang barangay at karatig barangay ang nabigyan ng libreng konsultasyon sa sakit, mga gamot, at bunot ng ngipin. Karamihan sa mga dumalo ay maituturing na kapos din sa pangangailangan […]

Paghahanda para maiwasan ang baha, sinimulan na ng MMDA

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang taunang paghahanda sa posibleng pagbaha sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Nilinis nila ang mga baradong kanal, creek at estero na isa sa mga dahilan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Ayon sa MMDA, ilan sa mga flood-prone area sa bahagi ng Quezon City ay ang Brgy. Doña Imelda, Brgy. Damayang Lagi, Brgy. Tatalon, at Brgy. Talayan. Nilinis rin nila […]

Rio Grande de Cagayan, patok na pasyalan ngayon summer

(Eagle News) — Tuwing papalapit ang buwan ng bakasyon, nakasanayan na nating mga Pilipino ang humanap ng mga lugar pasyalan. Kaya naman, bakit hindi natin subukan ang natatanging ganda ng Cagayan River? Kilala sa tawag na Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas dahil binubuo nito ang apat na probinsya kagaya ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan. Ngunit alam nyo ba na bukod sa baybayin nito na karaniwang dinarayo ng mga turista […]

National Oral Health Month celebration isinagawa sa Bongabon, Nueva Ecija

BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) – Bago natapos ang buwan ng Pebrero ay ginunita at ipinagdiwang ang National Oral Health Month  ng Pamahalaang Lokal ng Bongabon, Municipal Health Office, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Department of Health (DOH). Isinagawa nila ito sa Bongabon Town Plaza noong Martes ng umaga February 28. Ang nasabing event ay may temang “Ngiping inaalagaan at pinagyayaman, hatid ay ngiting di kukupas kailanman”. Dinaluhan ito ng mga Day Care Student mula sa […]

Mahigit 2,000 katao nakilahok sa isinagawang 17th Orani Water Dragon Run

ORANI, Bataan (Eagle News) – Mahigit 2,000 katao ang nakilahok sa 17th Orani Water Dragon Run. Isinagawa ito sa Orani, Bataan. Madaling araw pa lamang ay dumating na ang maraming participants. Taun-taon ay idinadaos ito para makalikom ng pondo upang patuloy na maprotektahan ang Tala watershed. Mula sa nalilikom na pondo ay nagtatanim sila ng seedlings sa Brgy. Tala na siyang pinagkukuhanan ng tubig ng Orani maging ng mga karatig bayan nito. Pinangunahan ni Mayor Efren Bonjong […]