Libreng medical at dental mission sa T. Sora, Quezon City, isinagawa

QUEZON CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng medical at dental mission ang mga kawani ng Quezon City Health Unit sa SB Park Covered Court sa Brgy. Tandang Sora noong Miyerkules, Marso 1. Nagsimula ang nasabing aktibidad bandang 8:00 ang umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Maraming residente ng naturang barangay at karatig barangay ang nabigyan ng libreng konsultasyon sa sakit, mga gamot, at bunot ng ngipin.

Karamihan sa mga dumalo ay maituturing na kapos din sa pangangailangan sa buhay at walang pambili ng gamot para sa kanilang mga karamdaman, kaya naman laking pasasalamat nila at sila ay napagkalooban ng libreng medical at dental mission.

Ian Jasper Ellazar – EBC Correspondent, Quezon City