PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Kasalukuyang isinasagawa ang COMELEC Registration ngayon araw (Martes) April 25, sa Barangay Hall, Barangay Sun Valley Parañaque City. Sinimulan ang registration bandang 8:00 ng umaga. Subalit bago ang itinakdang oras ay madami na ang nakapila upang makapagparehistro. Ang ganitong programa ay isinagawa ng Parañaque COMELEC sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon sa mga Punong Barangay ng nasabing lungsod. Para ang mga residente na hindi pa nakapagparehistro ay mas makapagparehistro na […]
Provincial News
Cash for Work Program, isinagawa sa Meycauayan, Bulacan
(Eagle News) — Maaga pa lamang ay nagsimula ng maglinis ng kapaligiran ang may 26 na katao sa Barangay Hulo, Meycauayan City. Sa pangunguna ni Konsehala Marissa Dimasin, sinimulan nilang linisin ang lahat ng mga baradong kanal na kung saan namumugad ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Nilinis din nilang lahat ang mga nagkalat na basura at maging ang mga sulok-sulok ng daan. Ang cash for works program na proyekto ng lokal […]
Ordinansa ukol paglalagay ng lifeguards at life saving kit ipapatupad sa Lianga, Surigao del Sur
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagpatupad ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Ito ay bilang tugon sa madalas na insidente ng pagkalunod ng mga bakasyunista. Inobliga nila ang lahat ng mga may-ari ng Beach Resort at mga paliguan na magkaroon ng rescue boat, life saving kit, at lifeguards. Ito ay upang magmamasid at magbabantay sa mga naliligong mga bakasyunista. Ang sinumang masusumpungan na lalabag sa ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa […]
Oplan “TapHang” o “tapok hangyo,” isinagawa ng PNP sa Dipolog City
DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ang Dipolog City Police Station ng “TapHang” o tapok hangyo sa Barangay Diwan, Dipolog City. Pangunahing layunin nito na maipaabot ang mga mahahalagang impormasyon sa mga residente ukol sa program ng Philippine National. Sa lekturang isinagawa ay naging tagapakinig ang mga opisyales ng barangay, drug surrenderees, mga magulang at kabataan na sakop sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Mariel A. Mamintas, Assistant PCR, sa ganitong programa ay […]
Lokal na Pamahalaan ng Surigao del Norte nakiisa sa pagdiriwang ng International Earth Day
SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Norte sa Pagdiriwang ng International Earth Day. Ang pagdiriwang ay may temang “Environmental and Climate Literacy.” Bilang proyekto ng nasabing pagdiriwang ay nagsawaga sila ng tree planting nitong Biyernes, April 21. Sumama sa aktibidad ang mga empleyado ng Kapitolyo. Nakiisa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at […]
Summer class na may temang: “Pulis ko,Titser ko,” isinagawa sa Zamboanga del Norte
LA LIBERTAD, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa 98 kabataang mag-aaral ang nakinabang sa isinagawang summer class ng kapulisan sa Zamboanga del Norte. Ito ay may temang “Pulis ko, Titser ko.” Isinagawa ito sa La Libertad, Zamboanga del Norte na pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) La Libertad. Katuwang din ng naturang programa ang Department of Education (DepEd) at mga personahe ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office (ZNPPO). Naging panauhing tagapagturo si SPO2 Dannette Abella […]
Mahigit isang milyong voters ID sa Davao Region hindi pa nakukuha ng may-ari
DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa mahigit isang milyong voters identification cards ang hindi pa kinuha ng mga kinauukulan particular na sa Davao Region ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Sa nakalap na impormasyon, hinikayat ni COMELEC – Davao Regional Director Lawyer Remlane Tambuang, ang 1,193,816 na mga botante na kunin na sa tanggapan ng COMELEC ang kanilang ID. Sa Davao City mismo ay mayroong 551, 628 ID’s na maaari ng makuha ayon kay COMELEC Director. […]
Pambansang Reoryentasyon sa Panitikan isinagawa sa Dapitan City
DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Hindi inaasahan ang pagdagsa ng mga piling guro mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa sa pagbubukas ng tatlong araw na Pambansang Reoryentasyon sa Panitikan. Ito ay pinangunahan ng isang unibersidad sa Dapitan, Zamboanga del Norte, sa pakikipag- ugnayan ng Komisyon sa Wikang Filipino, National Commission for Culture and the Arts, Commission on Higher Education, Department of Education, at Lokal na Pamahalaan ng Dapitan City. Ayon kay Dr. […]
School-on-the-Air Program na inilunsad ng Department of Agriculture naging matagumpay
DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang programang inilunsad ng Department of Agriculture na School on the Air Program noong Disyembre 2016 sa Dapitan City. Unang nakinabang sa pagpapalago sa Organic Vegetable Farming ang mga barangay Tamion, Owaon, Antipolo, Diwaan at Masidlakon. Ayon kay Mr. Elias Nayal, Training Specialist at Focal Person sa Organic Agriculture, ang Agricultural Training Institute (ATI) aniya ay naglalayon na makatulong sa mga interesadong magsasaka. Kaya hindi sila nagdadalawang […]
Sundalong kasama sa magsisilbi ng warrant, sugatan matapos manlaban ang mga suspek
PATIKUL, Sulu (Eagle News) – Nagsanib puwersa ang mga tauhan ng Public Safety Company ng Philippine National Police (PNP) sa Sulu at 45th Infantry Battalion para i-serve ang warrant of arrest laban kay Namil Ahajari alyas Gapas. Ihahain sana ang nasabing search warrant sa pinagtataguan ng suspek sa Brgy. Danag, Patikul, Sulu noong Miyerkules ng madaling araw, April 19. Subalit pagdating ng mga awtoridad sa lugar ay bigla silang pinaputukan ng humigit kumulang 15 armadong lalaki. Gumanti […]
Dalawang bihag na sundalo, pinalaya ng NPA
(Eagle News) — Pinalaya na ng New People’s Army (NPA), ang dalawang sundalo na kanilang binihag noong February 2. Ayon kay Sergeant Solaiman Calocop at Private First Classsamuel Garay, sa isang lugar sa Davao Del Sur pinalaya ang dalawang binihag na sundalo. Ang dalawang miyembro aniya ng 39th Infantry Battalion ay sinundo ng Crisis Management Committee na pinangunahan ng Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Colombio sa Sultan Kudarat. Saa isang pahayag, sinabi naman […]
ASEAN Summit na gagawin sa Bohol sinimulan na
PANGLAO, Bohol (Eagle News) – Sinimulan na nitong Miyerkules, April 19 ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Hennan Resort sa Panglao, Bohol. Inaasahan na rin ang pagdating ng mga delegado ng Ministers of Trade mula sa 10 bansa, tulad ng: Malaysia Singapore Myanmar Thailand Vietnam Brunei Darussalam Lao People’s Democratic Republic Cambodia Pilipinas Ang tatlong araw na ASEAN Summit ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ay sa tulong […]





