Provincial News

Pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, ipinatupad sa Umingan, Pangasinan

UMINGAN, Pangasinan (Eagle News) – “Anti-smoking campaign in public places.” Ito ang Municipal Ordinance No. 24  of 2008 sa Umingan, Pangasinan. Ipinatupad na ito ng nasabing bayan simula pa noong Hunyo 2016. Para maipaalam sa mga mamamayan ay nagsagawa sila ng parade, tree planting, poster at slogan making. Sa simula ay umani ito ng sari-saring negatibong reaksiyon mula sa mamamayan ng Umingan. Ngunit sa tulong at pagbibigay impormasyon ng RHU ng masamang epekto at dulot ng paninigarilyo kalaunan ay naging […]

Truck ban mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City

  BAGUIO CITY (Eagle News) — Mahigpit ng ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang City Ordinance No. 05, series of 2017 o truck ban sa lungsod. Ito ay matapos na maamyendahan at maaprubahan ng lower legislative body o konseho sa lungsod ang naturang ordinansa na kinatigan din ng iba’t ibang sektor. Matatandaan na apat na beses na sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad sa naturang ordinansa  matapos na iakyat sa konseho […]

7 tauhan ni Alhabsy Misaya ng Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group na mga tauhan at tagasunod ng napatay na ASG Sub-leader na si Alhabsy Misaya sa Sulu. Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kusang-loob na sumuko ang pitong ASG sa Sitio Kanjawali, Bgry. Tandu Bato, Luuk, Sulu. Nakilala ang limang sumukong Abu Sayyaf na sina: Aminula Sakili Saharijan Sakili Hayden Sahidul Sattar Sadjal Orik Samsuraji Habang ang dalawang iba […]

Mga training seminars ng TESDA sa mga drug surrenderee, malaki ang naitutulong – Piñan-PNP

PIÑAN, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Malaki ang naitutulong ng mga programa ng lokal na Pamahalaan ng Piñan, Zamboanga del Norte, para sa mga drug surrenderee sa ikapananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar, ito ay ayon sa Piñan PNP. Sa panayam kay Police senior Inspector Arcelito Hampac Derama, OIC ng Piñan, Municipal Police Station, napag-alaman na tatlong beses nang nagsagawa ng training seminars ang TESDA sa mga surrenderee na walang sapat na kabuhayan o mapagkakakitaan. Ayon kay […]

Iba pang bansa, may travel advisory na rin sa Palawan; PNP, pinawi ang pangamba ng publiko

PALAWAN (Eagle News) – Nag-isyu na rin ng kanilang travel advisory ang iba pang mga bansa para sa kanilang mga kababayan na nagbabalak na magtungo sa Palawan dahil sa banta sa seguridad. Kabilang sa naglabas ng bagong abiso ay ang mga bansang: United Kingdom Canada Australia Una rito, nagsabi ang Estados Unidos na kailangan nilang balaan ang kanilang mga mamamayan na mag-ingat o kaya ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa Palawan dahil sa posibilidad ng […]

1,500 pamilya nakinabang sa inilunsad na Water Connect sa Laguna

LAGUNA (Eagle News) — Sa pagtutulungan ng Manila Water Philippine Ventures,  (MWPV) water.org. at Waterlinks ay tinatayang 1,500 na maralitang pamilya ang ikokonekta sa linya ng tubig ng Laguna Water upang makatanggap ng malinis at ligtas na tubig sa kanilang mga tahanan sa buong lalawigan ng Laguna. Ang proyektong ito na tinawag na Water Connect na pasisimulan sa Laguna ay naglalayong suportahan ang mga pamilyang Pilipino na salat sa kakayanang makakuha ng malinis na tubig. Ang […]

2 suspected illegal drug pusher, inaresto ng PNP sa Tarlac

PANIQUI, Tarlac (Eagle News) — Hindi tumitigil ang kampanya ng kapulisan na may kaugnayan sa “Oplan Tokhang Reloaded” para matuldukan ang paglaganap ng iligal na droga partikular sa bayang ito. Muli na namang nakaaresto ng dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sina P/Supt. Joel Luzung Mendoza, hepe ng PNP Paniqui, Tarlac, kasama ng kanyang mga tauhan sa isang buy bust operation. Ang mga suspect na sina Ariel Saranilla Laureano, 36 taong gulang, ng Brgy. Samput […]

BJMP Baguio, naghatid ng saya at regalo para sa anak ng mga inmate

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Bakas sa mga mukha ng mga bata ang kaligayahan ng makatanggap sila ng munting regalo at kalinga mula sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang community activity relations service sa Baguio City Athletic Bowl. Ang naturang programa o home visitation activity ng BJMP ay may temang, “Pag aaruga ko, Kasama family mo.” Naglalayon ito na matulungan ang mga batang anak ng inmates ng Baguio City Jail. […]

PWDs sa Roxas City, Capiz nakatanggap ng assertive devices

ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nakatanggap ng assertive devices ang 19 na mga PWD’s o Person with Disabilities sa Roxas City, Capiz mula sa Social City Welfare and Development Office. Ang nasabing assertive devices ay tulad ng wheel chair, crutches at walker. Ipinagkaloob ito sa mga may kapansanan at senior citizen na walang kakayanan na magkaroon o makabili ng mga ito. Nagpapasalamat naman ang mga benepisiyaryo nito sa lokal na Pamahalaan dahil sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa kanilang […]

One entry, one exit policy hindi na ipatutupad sa Caticlan Jetty Port

BORACAY ISLAND, Aklan (Eagle News) – Hindi na ipatutupad ang one entry, one exit policy ng probinsiya sa isla ng Boracay. Ito ay ayon sa ipinahayag ni Caticlan Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa isyu ng seguridad sa nasabing isla. Sinabi pa ni Maquirang na maliban sa Caticlan Jetty Port bilang entry point patawid ng isla, anim na welcome center din ng iba’t-ibang resort ang nag-o-operate sa mainland. Aminado […]

SCAN International Ilocos Norte Chapter receives recognition from Ilocos Norte Police

(Eagle News) – Ilocos Norte Provincial Police Office (INPPO) recognized the participation of members of SCAN International (also known as Society of Communicators And Networkers International) in giving information and assistance to motorists and tourists who regularly visit the province of Ilocos Norte. A certificate of recognition  was given by INPPO led by Police Chief Inspector Dexter Corpuz, and Police Chief Inspector Randy Baoit. A ceremony for this was held at Camp Capt. Valentin Juan at exactly 8:00 yesterday. Members […]

Boracay, kumita ng Php21-B sa unang apat na buwan ngayong taon

BORACAY, Aklan (Eagle News) – Umabot na sa 21 bilyong piso ang kinita ng isla ng Boracay sa kanilang tourism receipts. Ito ay sa unang apat na buwan pa lamang ng taong ito. Ayon sa report ng Aklan Provincial Tourism Office, ang naturang tourism receipts ay nalikom mula sa mga dayuhang bisita at Overseas Filipino Workers (OFWs) na umabot sa mahigit 14 bilyong piso. Samantala ang anim na bilyong piso naman ay galing sa mga local tourist. Sa tala […]