Provincial News

Pawikan, aksidenteng nalambat sa Oriental Mindoro

BONGABONG, Oriental Mindoro (Eagle News) — Isang pawikan ang aksidenteng nahuli sa Oriental Mindoro kamakailan. Ayon kay Ariel Robledo na isang mangingisda sa Barangay Labasan, Bongabong, naghulog siya at ang kaniyang mga kasama ng talapira—-isang uri ng lambat—sa dagat. Nang hilahin nila ito sa tabi ay nakita nila ang pawikan na napasama sa kanilang mga nahuli sa lambat. Ang pawikan–o green sea turtle—ay may habang 100 centimeters, at may lapad na 96 cm. Tinatayang ito ay 15 […]

Nasa 20 foreign terrorists kasama pa ng Maute Group sa Marawi – AFP

Eagle News – Mayroon pa umanong 20 dayuhang terorista ang kasama ng Maute Group na nakikipagbakbakan hanggang sa kasalukuyan sa tropa ng gobyerno sa Marawi City. Ayon kay AFP Western Mindanao Command Commander, Lt. Gen. Carlito Galvez, maliban pa ito sa bilang na walong iba pang foreign tourists na napatay sa mga naunang araw ng sagupaan sa siyudad. Kasabay nito, itinanggi naman ni Galvez na nasa Marawi City ang sinasabing 1,200 terorista ng isang mataas na opisyal mula Indonesia.

Unang araw ng pasukan sa Mariveles, Bataan sinalubong ng baha

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Sinalubong ng baha ang unang araw ng pasukan sa ilang bahagi ng Mariveles, Bataan. Kabilang na sa mga lugar na naapektuhan ang Llamas Elementary School. Ayon sa mga magulang ng mga bata doon, taun-taon ay nararanasan nila ang ganitong sitwasyon at may pagkakataon pa na umaabot hanggang tuhod ang baha kahit walang bagyo. Nakatulong naman ng malaki ang ginagawang kanal malapit sa paaralan para maibsan ang nararanasang baha sa kasalukuyan. Ayon kay […]

“No I.D., no Entry,” ipinatupad na sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay

MABUHAY, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Ikinasa na sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay ang “No I.D., no entry” policy. Ito ay sa ilalim ng Executive Order No .19, series of 2017. Ibinaba ang kautusan mula sa tanggapan ni Mayor Restituto Calonge. Ayon sa nilagdaan ng alkalde, iniaatas na sumailalim sa checkpoint ang bawat taong dadaan sa entry points ng Brgy. Hula-Hula at Brgy. Malinao at iba pang lugar sa loob ng nasabing bayan. Kailangang iprisinta ang ID ng […]

PNP handa na sa pagsisimula ng klase sa Lunes, June 5

SAN PABLO CITY, Laguna (Eagle News) – Handa na ang kapulisan ng San Pablo City, Laguna sa nalalapit na pasukan sa Lunes, ika-5 ng Hunyo. Ayon kay, Supt. Ronan Claravall, officer in charge ng lokal na kapulisan,  maglalagay sila ng Public Assistance Desks sa iba’t ibang paaralan para makatulong sa mga libu-libong mga estudyante na papasok sa Lunes. Nagpapaalaala rin siya sa mga magulang, lalo na sa mga anak nila na mag-aaral sa mga pribadong institusyon, na iwasang […]

Mga plastic, bawal na sa Boracay simula sa June 15

(Eagle News) — Nakatakda nang ipatupad ng Malay-Local Government Unit ang limang taon nang batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic lalo na sa isla ng Boracay. Ang Municipal Ordinance No. 320-2012 ay naglalayong mabawasan ang paggamit ng plastic. Sa ilalim nito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit at pagbebenta ng plastic bag sa mga dry goods at mabawasan ang paggamit nito sa mga wet goods. Bawal din ang paggamit ng styrofoam. Hinihikayat naman sa mga […]

Construction of facilities in Philippine Rise to start next year – Sen. Villar

QUEZON City, Philippines (Eagle News) – The Department of Agriculture (DA) and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) will start building facilities in the Philippine Rise, previously known as Benham Rise, next year. Senate Committee on Environment and Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar said that the planned construction of facilities in the Philippine Rise can be included in the 2018 budget. Based on studies conducted by DA and DENR, the experts concluded […]

Isang lalake, arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Tagbina-PNP

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang 42 taong gulang na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng pulis sa  Surigao del Sur kamakailan. Kinilala ng Tagbina Municipal Police Station ang suspek bilang Roy Cemadero Rojo. Nakuha mula kay Rojo ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at ang ginamit na marked money sa buy-bust operation sa Purok 4, Maglatab, Tagbina. Ang suspek ay dati nang sumuko sa mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang. Kasama din […]

SCAN International, nagsagawa ng paglilinis sa isang paaralan sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Nagsagawa ng paglilinis ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa isang paaralan sa Real, Quezon, upang makatulong sa mga residente na makapaghanda sa pagdating ng unang araw ng klase. Pinangunahan ng SCAN International, sa pagsubaybay ni Bro. Isaias Hipolito, district minister ng Northern Quezon, ang paglilinis sa Tagumpay Elementary School noong Miyerkules, ika-31 ng Mayo. Naglakbay ang mga lumahok ng halos isang oras upang marating ang nasabing paaralan, na nasa malayong […]

Tatlo patay, 1 sugatan sa nangyaring landslide sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Tatlo ang patay habang isa naman ang sugatan matapos matabunan ang kanilang bahay ng gumuhong lupa at malaking puno sa Palawan nitong Lunes. Kinilala ang mga nasawi sa landslide sa Barangay Liwanag pasado alas diyes ng gabi na sina Marites Vedor,  at ang mga anak nitong si Ashley, may isang taong gulang, at Mira, may dalawang taong gulang. Ang padre de pamilya naman ay kritikal ang kalagayan ngayon sa pagamutan. Dinala […]

Malaking delegasyon ng mga atleta, isasabak ng POC sa 2017 SEA Games

(Eagle News) – Mahigit 400 Pilipinong atleta ang ipapadala para lumahok sa 29th Southeast Asian Games ngayong taon. Ayon ito sa inisyal na listahan na inilabas ng Philippine Olympic Committee (POC). Hinihintay na lamang na mabuo ang final roster ng indoor hockey at ng men’s at women’s volleyball squads para ganap na makumpleto ang listahan. Ayon sa komite, ang mga kalahok na Filipino athletes ay sasabak sa 255 events mula sa kabuuang 405 featured events na idaraos […]

Tax Reform Bill, “certified urgent” na ni Pangulong Duterte

(Eagle News) – Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang unang Tax Reform Bill na naglalayong babaan ang personal income tax rates ngunit magdadagdag sa singil sa iba pang tax. Ayon kay Finance Assistant Sec. Paola Alvarez, inilabas ang sertipikasyon noong Lunes (Mayo 29) ng umaga at agad na ipinadala sa kamara. Sa Miyerkules, May 31, inaasahang ipapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 5636 sa plenaryo. Ito ang substitute bill na may mga moderate […]