Provincial News

Supply ng kuryente sa ilang lugar sa Visayas, posibleng sa Agosto maibalik

(Eagle News) – Posibleng sa katapusan ng buwan o sa Agosto maibabalik ang supply ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol. Ayon sa Department of Energy (DOE), maraming nasirang transformers bunsod ng malakas na lindol na naganap sa Visayas noong nakaraang linggo. Una nang tinarget na maibalik ang power supply sa mga nasabing lalawigan noong Miyerkules, July 13. Pero nasa 160 megawatts lamang ang maibabalik na enerhiya, na 55% lang ng total demand para sa tatlong […]

Pulis, patay sa pamamaril ng riding-in -tandem 

(Eagle News) — Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa  Biñan City, Laguna, kamakailan. Ang biktima ay kinilalang si SPO2 Ricardo Pagua Infante, miyembro ng Biñan City Police Station. Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tulay na Bato, Barangay San Antonio. Agad namang isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng […]

DOT: Western Visayas, top destination of foreign tourists coming in the country

KALIBO, Aklan (Eagle News) – Western Visayas remains the top destination for foreign tourists traveling to the country. According to the Department of Tourism (DOT) in Region 6, in the first six months alone, foreign tourist arrivals in the region have reached over 2 million. DOT Regional Director Helen Catalyst said that the top foreign tourists to visit Region 6 are Koreans. They are followed by the Chinese, the Taiwanese, Americans and Malaysians.

“Ride For A Cause” para sa mga pulis at sundalo, isinagawa sa Zamboanga del Norte

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng “Ride For A Cause” activity ang United Riders Sportsbikes Alliance (URSA) para sa law enforcers na walang kapaguran sa pagbabantay sa mga kalsada upang masiguro ang seguridad ng bawat lumalabas at pumapasok sa kanilang lugar. Nasa mahigit 70 riders ang namigay ng mga kape, tinapay, canned goods, biscuits, at iba pa sa mga outpost. Layunin ng naturang grupo na kahit papaano ay makatulong sa mga awtoridad na […]

PHP3 milyon na halaga ng heavy equipment ng isang construction company sa Zamboanga Del Sur, sinunog 

(Eagle News) — Sinunog ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong heavy equipment na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Zamboanga Del Sur kamakailan. Base sa inisyal na imbistigation ng Philippine National Police, nasa labin-limang mga armadong lalaki ang umatake sa bunkhouse ng Ramona Construction Company sa Dumingag, Purok Uno, Barangay Licabang. Binuhusan nila ng gasolina ang mga nakaparadang dump truck at saka sinilaban ang mga ito. Pagkatapos sunugin ang mga nasabing equipment […]

Isang bahagi ng El Nido Municipal Hall, nasunog

EL NIDO, Palawan (Eagle News) – Nasunog ang isang bahagi ng munisipyo ng El Nido, Palawan noong Martes ng gabi, July 11. Ayon sa mga guard on duty na sina June Ebangelyo at Brit Acot, bigla na lamang silang nakakita ng usok na lumalabas mula sa bahagi ng treasury department bandang 11:30 ng gabi. Nang kanila itong alamin ay nakumpirmang nasunog ang bahaging iyon ng opisina, kung kaya dali-dali nila itong sinubukang apulahin sa tulong ng […]

Drug pusher, huli sa buy-bust operation sa Tagbilaran City

TAGBILARAN CITY, Bohol (Eagle News) — Nahuli sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang drug pusher kahapon sa Tagbilaran, Bohol. Ang suspek na si Albert Ano, 28 anyos, ay nahuli matapos pagbentahan niya ng droga ang isang police-poseur buyer sa Purok 7, Gallares St. Nakumpiska mula kay Ano ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, 300 pesos na ginamit na marked money, at eyeglass case na pinaglagyan ng mga shabu. Kasalukuyang nahaharap ang suspek […]

Sahod ng mga kasambahay sa MIMAROPA, tinaasan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Tinaasan na at pinagpantay ang buwanang pasahod para sa mga kasambahay sa buong Mimaropa. Ito ay alinsunod sa ipinalabas na Wage Order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng rehiyon. Nakasaad sa nasabing wage order na ang mga kasambahay, mapa-live-in o mapa-live-out ay tatanggap ng Php 2,500 o karagdagang Php 500 kung sila ay nagtatrabaho sa chartered city at mga 1st class municipality na sumasahod ng Php 2,000 kada […]

2 bagong water pumping station, pinasinayaan sa Basilan

ISABELA CITY, Basilan (Eagle News) — Nagkaroon ng inauguration ng dalawang pumping station sa Isabela City, lalawigan ng Basilan, kamakailan. Ang pagbubukas ng pumping stations sa Barangay Lukbuton at Barangay Sta. Barbara sa isla ng Malamawi ay ginawa bilang paggunita sa 30th founding anniversary ng Isabela City Water District. Ang mga pumping station na ito ay gagamitan ng submersible pump upang maibomba ang tubig sa isa sa mga deepwell sa isla. Dadalhin naman ang tubig sa […]

Pagkumpuni ng mga linya ng kuryente sa Visayas, tuloy pa rin

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Patuloy pa rin ang pagkumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga linya ng kuryente na nasira dahil sa pagtama ng magnitude-6.5 na lindol sa Leyte nitong nakaraang linggo. Noong Lunes, July 10, isinailalim sa testing ng NGCP ang Ormoc substation pero inabot ang mga tauhan ng gabi dahil sa  naranasang pag-ulan at aftershocks. Ayon sa NGCP, kapag umuulan at nakararanas ng aftershock, kinakailangang agad ihinto ang […]

Bagong gusali ng Piñan Municipal Police Station, binuksan na

PIÑAN, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Binuksan na sa publiko ang bagong gusali ng Piñan Municipal Police Station sa Piñan, Zamboanga del Norte. Ang pagbubukas ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Arcelito Derama. Dinaluhan din ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Naging panauhing pandangal si Police Senior Superintendent Edwin Sadama de Ocampo, Deputy Regional Director for Administration of PRO-9. Dumalo rin sa naturang turnover ceremony si Police Senior Superintendent Edwin BC Wagan, Provincial […]

DOH, nagpaalala sa masamang epekto ng malabis na paggamit ng gadget

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Pinaalalahanan ngayon ng Zamboanga City Health office ang mga magulang na bantayan at limitahan lamang ang paggamit ng kanilang mga anak ng mga makabagong teknolohiya, lalung-lalo na ang android smart phone at mga computer. Sinabi ni City Health Officer Dr. Rodelin Agbulos na malaki ang epekto hindi lang sa utak ng bata kundi maging sa kalusugan nito ang mahabang oras na paggamit ng mga gadget at ibang mga kagamitang pangkomunikasyon. Sinabi […]