Provincial News

Misamis Oriental, inilagay na sa code blue alert dahil sa bagyong Vinta

MISAMIS ORIENTAL, Philippines (Eagle News) — Isinailalim na sa code blue ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Department (PDRRMD) ang buong lalawigan ng Misamis Oriental simula ngayong araw. Ito ay dahil sa inaahasang pag-landfall ng bagyong “Vinta” mamayang gabi o bukas. Ayon kay Misamis Oriental PDRRMD Chief Fernando Dy Jr., naka alerto na ang buong lalawigan dahil nakataas na sa lalawigan ang public storm signal number 1. Inaabisuhan na rin aniya ang lahat ng […]

DPWH, tiniyak na tatapusin na ngayong buwan ang pagpapatayo ng initial housing projects sa Marawi City

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinatitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tatapusin nila ang pagpapatayo ng initial housing projects sa Marawi City. Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 500 mga housing unit ang target ng ahensiya na tapusin ngayong buwan ng Disyembre. Aniya, mayroong short-term at long-term plans ang DPWH para sa pagbangon ng Marawi na winasak ng ilang buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror […]

Incident command center ng Surigao, Agusan provinces activated dahil sa bagyong Vinta

MANILA, Philippines (Eagle News) — Activated na ang mga incident command center sa mga lalawigan ng Surigao at Agusan para sa agarang pagtugon sa mga kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ng paghagupit ng bagyong Vinta. Ito ay matapos isinailalim sa storm signal number 1 at 2 ang mga nasabing lalawigan. Nagpatawag na rin ng emergency meeting sa Butuan si Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa mga empleyado ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang […]

2 pulis na binihag ng mga rebeldeng NPA, pinalaya na

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Pinalaya na ang dalawang pulis na bihag ng New People’s Army sa lalawigan ng Surigao del Norte. Humigit kumulang dalawang buwan na binihag sina PO2 Alfredo Degamon at PO2 John Paul Doverte bago ang matagumpay na negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng nasabing grupo. Isinailalim sa medical checkup ang dalawang pulis bago ito bumaba mula sa lugar ng Gigaquit, Surigao del Norte. Jabes Juanite, Eagle News Service […]

TESDA regional director, natagpuang patay sa kaniyang kwarto sa Pagadian

Ni Ferdinand Libor Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle news) – Natagpuang patay ang regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Mindanao sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa isang paaralan sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng otoridad ang namatay na si Engr. Edgar Sales, 59 taong gulang, residente sa Purok 4, Brgy. Carangan, Ozamis City. Ayon sa driver nitong si Victor Barredo, natagpuan […]

State of calamity idineklara na sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro

NAUJAN, Oriental Mindoro (Eagle News) – Nagdeklara na ng state of calamity sa Naujan, Oriental Mindoro. Inirekomenda ito ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Sangguniang Bayan matapos makapagtala ng P1.1 milyong halaga ng pinsala sa palaisdaan, P115,000 na halaga ng mga napinsalang pasilidad at P1.7 milyong stocks sa warehouse products. Ayon kay MDRRMC Officer Jeory Geroleo, tatlong barangay ang nakapagtala ng kabuuang P200,000 halaga ng napinsalang livestock. Aniya ang mga nabanggit […]

Isang sundalo patay, 2 pa sugatan sa pananambang sa Basilan

BADJA, Basilan (Eagle News) — Patay ang isang sundalo habang sugatan ang dalawa niyang kasama matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan. Ayon sa hepe ng Tipo-Tipo Police na si Senior Inspector Mujahid Mujahid, nagsagawa ng route security ang mga sundalo ng 74th Infantry Battalion nang bigla silang tambangan ng mga bandido kahapon. Naganap aniya ito sa Sitio Baunodagaw sa Barangay Badja sa kanilang bayan, alas-sais ng umaga. […]

36 pang mga labi, natagpuan sa patuloy na retrieval operation sa Naval, Biliran

By Vanessa Abangan Eagle News Service NAVAL, Biliran (Eagle News) – Tatlumput anim pa ang bangkay na narekober ng mga awtoridad sa isinasagawang retrieval operation sa gumuhong bahagi ng Barangay Lucsoon, Baval, Biliran. Ayon kay Police Chief Inspector Lilibeth Morillo, isa sa kanilang nakuha ay isang babae na nasa 10-15 taong gulang. Aniya, may mga natagpuan ang mga rescuer na mga bahagi nalang ng katawan dahil sa matinding pagkakaipit sa landslide. Samantala, problemado naman ang […]

DENR, bumuo ng task force laban sa mga iligal na minahan

(Eagle News) — Bumuo ng isang task force si Environment Secretary Roy Cimatu laban sa illegal o small-scale miners. Isinisisi ni Cimatu sa mga illegal miner ang pagkasira ng kalikasan. Ayon naman kay Chamber of Mines of the Philippines Chairman Gerard Brimo, maayos na ngayon ang ugnayan sa pagitan ng DENR at grupo ng mga minero kumpara noong mga nakalipas na taon. Bukod umano kasi sa pag-adopt ng Mineral Association of Canada’s o MAC mining […]

Mga negosyanteng mananamantala sa mga lugar na sinalanta ng ‘Urduja,’ kakasuhan – DTI

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante sa eastern Visayas na huwag mananamantala sa mga residente ng lugar na sinalanta ng bagyong Urduja. Sinabi ni Trade Undersecretary Ted Pascua na kakasuhan ng economic sabotage ang sinumang mapapatunayan na mangho-hoard ng supply ng mga pangunahing bilihin. Dagdag rin ng opisyal na bawal din ang profiteering sa mga consumer. Kaugnay nito, nanawagan naman si Pascua sa mga consumer […]

Pitong probinsya sa bansa, positibo pa rin sa red tide

(Eagle News) — Nananatiling positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang ilang probinsya sa bansa. Sa pinaka latest na shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) di bababa sa pitong probinsya sa bansa ang positibo pa rin sa red tide. Kabilang na rito ang mga baybayin ng Daram Island, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda, Villareal Bays sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay, Leyte, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, […]

Bagyong Urduja, nanalasa sa bahagi ng Palawan; matinding pagbaha nararanasan

Ni Anne Ramos Eagle News Service PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagmistulang swimming pool ang ilang bahagi ng Puerto Princesa City dahil sa mga pagbaha ng mga lansangan doon dulot ng malakas na ulan dahil sa bagyong Urduja. Halos hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalye sa Barangay San Jose at Barangay Tiniguiban dahil sa mataas na tubig. Sa Barangay Irawan naman ay aabot hanggang bewang ang tubig baha. May mga […]