Provincial News

Mahigit 6,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong “Vinta”

(Eagle News) — Umabot sa 6517 na pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong ‘Vinta.’ Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), pinakamaraming hindi nakabiyaheng pasahero ay mula sa mga pantalan ng Cebu at Tagbilaran sa Central Visayas na may kabuuang bilang na 2,465. Halos 2,000 naman ang stranded na pasahero sa mga pier sa Northern Mindanao, partikular na sa Surigao, Cagayan de Oro, Osamis at Dapitan. Kabuuang […]

Mahigit 7,000 katao, inilikas sa Caraga Region dahil sa bagyong “Vinta”

(Eagle News) — Lumaki pa ang bilang ng mga tao at pamilyang inililikas sa buong Caraga Region dahil sa bagyong “Vinta.” Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD-Caraga), lumobo pa sa 7,643 indibidwal at mahigit 1,600 na pamilya ang nasa 26 na mga evacuation center sa rehiyon. Aabot naman sa 400 na mga pasahero ang stranded sa pantalan ng Lipata sa Surigao City. Suspendido rin ang klase sa buong rehiyon kasama na ang pasok […]

Valencia City nagpatupad ng forced evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng Pulangi River

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) — Dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong “Vinta” sa Mindanao, umabot na sa lebel na kritikal ang Pulangi River, kung kaya’t pinalikas na ang mga residente ng labing-isang (11) barangay sa Valencia City, Malaybalay, Bukidnon. Ang forced evacuation ay inanunsyo bago pa ang inaasahang pananalasa ng bagyo sa kalapit na lungsod ng Malaybalay City. Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara ng Bingcungan Bridge sa Tagum […]

Nasa 80 baby sea turtles, pinakawalan sa baybayin ng Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Nasa 80 pirasong batang pawikan ang pinakawalan ng mga lifeguard ng Camaya Coast Beach Hotel sa Mariveles, Bataan. Ayon kay Mark Anthony Daruca, lifeguard team leader ng Camaya Coast, habang binabantayan nila ang mga turistang naliligo sa baybaying dagat na sakop ng Camaya Coast ay natatagpuan nila ang mga itlog ng pawikan. Inililipat nila ang mga ito sa ginawa nilang hatchery. Dito na nila pinakawalan ang mga ito. Sa kasalukuyan […]

Misamis Oriental, inilagay na sa code blue alert dahil sa bagyong Vinta

MISAMIS ORIENTAL, Philippines (Eagle News) — Isinailalim na sa code blue ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Department (PDRRMD) ang buong lalawigan ng Misamis Oriental simula ngayong araw. Ito ay dahil sa inaahasang pag-landfall ng bagyong “Vinta” mamayang gabi o bukas. Ayon kay Misamis Oriental PDRRMD Chief Fernando Dy Jr., naka alerto na ang buong lalawigan dahil nakataas na sa lalawigan ang public storm signal number 1. Inaabisuhan na rin aniya ang lahat ng […]

DPWH, tiniyak na tatapusin na ngayong buwan ang pagpapatayo ng initial housing projects sa Marawi City

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinatitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tatapusin nila ang pagpapatayo ng initial housing projects sa Marawi City. Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 500 mga housing unit ang target ng ahensiya na tapusin ngayong buwan ng Disyembre. Aniya, mayroong short-term at long-term plans ang DPWH para sa pagbangon ng Marawi na winasak ng ilang buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror […]

Incident command center ng Surigao, Agusan provinces activated dahil sa bagyong Vinta

MANILA, Philippines (Eagle News) — Activated na ang mga incident command center sa mga lalawigan ng Surigao at Agusan para sa agarang pagtugon sa mga kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ng paghagupit ng bagyong Vinta. Ito ay matapos isinailalim sa storm signal number 1 at 2 ang mga nasabing lalawigan. Nagpatawag na rin ng emergency meeting sa Butuan si Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa mga empleyado ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang […]

2 pulis na binihag ng mga rebeldeng NPA, pinalaya na

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Pinalaya na ang dalawang pulis na bihag ng New People’s Army sa lalawigan ng Surigao del Norte. Humigit kumulang dalawang buwan na binihag sina PO2 Alfredo Degamon at PO2 John Paul Doverte bago ang matagumpay na negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng nasabing grupo. Isinailalim sa medical checkup ang dalawang pulis bago ito bumaba mula sa lugar ng Gigaquit, Surigao del Norte. Jabes Juanite, Eagle News Service […]

TESDA regional director, natagpuang patay sa kaniyang kwarto sa Pagadian

Ni Ferdinand Libor Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle news) – Natagpuang patay ang regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Mindanao sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa isang paaralan sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng otoridad ang namatay na si Engr. Edgar Sales, 59 taong gulang, residente sa Purok 4, Brgy. Carangan, Ozamis City. Ayon sa driver nitong si Victor Barredo, natagpuan […]

State of calamity idineklara na sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro

NAUJAN, Oriental Mindoro (Eagle News) – Nagdeklara na ng state of calamity sa Naujan, Oriental Mindoro. Inirekomenda ito ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Sangguniang Bayan matapos makapagtala ng P1.1 milyong halaga ng pinsala sa palaisdaan, P115,000 na halaga ng mga napinsalang pasilidad at P1.7 milyong stocks sa warehouse products. Ayon kay MDRRMC Officer Jeory Geroleo, tatlong barangay ang nakapagtala ng kabuuang P200,000 halaga ng napinsalang livestock. Aniya ang mga nabanggit […]

Isang sundalo patay, 2 pa sugatan sa pananambang sa Basilan

BADJA, Basilan (Eagle News) — Patay ang isang sundalo habang sugatan ang dalawa niyang kasama matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan. Ayon sa hepe ng Tipo-Tipo Police na si Senior Inspector Mujahid Mujahid, nagsagawa ng route security ang mga sundalo ng 74th Infantry Battalion nang bigla silang tambangan ng mga bandido kahapon. Naganap aniya ito sa Sitio Baunodagaw sa Barangay Badja sa kanilang bayan, alas-sais ng umaga. […]

36 pang mga labi, natagpuan sa patuloy na retrieval operation sa Naval, Biliran

By Vanessa Abangan Eagle News Service NAVAL, Biliran (Eagle News) – Tatlumput anim pa ang bangkay na narekober ng mga awtoridad sa isinasagawang retrieval operation sa gumuhong bahagi ng Barangay Lucsoon, Baval, Biliran. Ayon kay Police Chief Inspector Lilibeth Morillo, isa sa kanilang nakuha ay isang babae na nasa 10-15 taong gulang. Aniya, may mga natagpuan ang mga rescuer na mga bahagi nalang ng katawan dahil sa matinding pagkakaipit sa landslide. Samantala, problemado naman ang […]