36 pang mga labi, natagpuan sa patuloy na retrieval operation sa Naval, Biliran

Bahagi ng isinagawang retrieval operation sa Naval, Biliran na isa sa mga sinalanta ng bagyong Urduja /Vanessa Abangan/Eagle News Service/

By Vanessa Abangan
Eagle News Service

NAVAL, Biliran (Eagle News) – Tatlumput anim pa ang bangkay na narekober ng mga awtoridad sa isinasagawang retrieval operation sa gumuhong bahagi ng Barangay Lucsoon, Baval, Biliran.

Ayon kay Police Chief Inspector Lilibeth Morillo, isa sa kanilang nakuha ay isang babae na nasa 10-15 taong gulang.

Aniya, may mga natagpuan ang mga rescuer na mga bahagi nalang ng katawan dahil sa matinding pagkakaipit sa landslide.

Samantala, problemado naman ang mga Biliranon lalo na sa bayan ng Naval dahil pahirapan sa pagbili ng mga pangunahing bilihan matapos ng pananalasa ng bagyong Urduja.

Mahaba ang pila sa bilihan ng tubig, sa bangko at maging sa establisimiento na kung saan maaari nilang makuha ang tulong pinansiyal na padala sa kanila.

Wala na rin mabibiling o krudo dahil nagsara ang karamihan ng mga gasoline station.