Provincial News

Malaking bahagi ng Pangasinan nakararanas ng kawalan ng suplay ng kuryente

(Eagle News) — Nakararanas ngayon ng kawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan. Ayon kay Ernest Vidal, press relation officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng northern Luzon, nakararanas ng black out ngayon ang mga power consumer ng CENPELCO sa mga bayan ng Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Binmaley, San Carlos City, Malasiqui at Basista. Ito ay matapos bumigay ang Malasiqui-Labrador 69 kilo volt line. Ayon kay […]

Klase sa lahat ng antas sa Pangasinan sa Oct. 30-31 sinuspende na ng pamahalaang panlalawigan

(Eagle News) — Sinuspende na ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang klase sa lahat ng antas ngayong araw hanggang bukas dahil sa Bagyong Rosita. Sa inilabas na memorandum order ng provincial government ay ipinag-utos sa mga Pangasinanse ang maagang paghahanda sa posibleng hagupulit ng bagyo sa lalawigan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Maliban sa suspension ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan ay sinuspende rin ang trabaho sa local […]

Storm signal sa Batac, Ilocos Norte, itinaas na sa Signal No. 2

(Eagle News) —  Itinaas na ng mga otoridad sa Signal No. 2 sa lalawigan ng Batac sa Ilocos Norte. Nakadeklara na ngayon ang lokal na pamahalaan ng lalawigan na wala nang pasok sa paaralan ng Elementarya at High School, pampubliko o pribado sa araw ng bukas, oktubre 29 dahil sa Bagyong Rosita. Ayon din sa isang Grade 8 student mula sa Batac Junior College, sinabi na rin ng kanilang principal na wala silang pasok bukas […]

Lingap Laban sa Kahirapan ng Iglesia Ni Cristo sa Kalinga, matagumpay na naisagawa

(Eagle News) — Matagumpay na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga ang “Lingap sa Mamamayan” partikular sa Barangay Seet, Bayan ng Tanudan. Napagkalooban ng goody bags ang ating mga kababayan na karamihan ay mula sa mga tribong nasa nasabing bayan. Ayon kay Brother Pedro F. Castillo, District Minister ng INC sa Kalinga, ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay pagpapakita ng kanilang malaking pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa na isa sa pangunahing adhikain […]

Iglesia Ni Cristo nagsasagawa ng “Lingap sa Mamamayan” sa Barangay San Pedro, San Jose Del Monte, Bulacan

(Eagle News) — Nagsisimula nang dumagsa ang mga kababayan natin sa Barangay San Pedro sa San Jose Del Monte, Bulacan sa gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Area-F. Ang nasabing lugar ay halos hindi mahulugang karayom sa dami ng mga tao na nakatakdang bigyan ng lingap. Ang Lingap sa Mamamayan na kanilang isinasagawa ay kaugnay ng pagdiriwang nang nalalapit na kaarawan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia […]

Isabela naghahanda na sa pananalasa ng Bagyong Rosita; klase sa lahat ng antas suspendido na mula Oktubre 29-31

(Eagle News) — Naglabas na ng Executive Order ang Provincial Government ng Isabela para sa suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pribado at pampubliko mula Lunes hanggang Miyerkules, Oktubre 29-31. Kasama ring sinuspinde ang trabaho sa lahat ng opisina mapapribado o pampubliko, maliban sa mga tanggapan na magsisilbi sa rescue operation at emergencies. Ayon sa nasabing order ay layon nito na maging ligtas ang mga batang mag-aaral sa maging epekto ng paparating na bagyo […]

DOTr target ang paglulunsad ng passenger ferry na biyaheng Metro Manila patungong Cavite

(Eagle News) — Target ng Department of Transportation (DOTr) na makapaglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite. Ito ay upang mabigyan ng opsyon ang mga commuter sa ibang pamamaraan ng transportasyon. Sinubukan na ng team mula DOTr sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade ang bumiyahe sakay ng ferry patungong Cavite. Mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50-minuto. […]

Malaking bahagi ng Itogon, Benguet hindi na maaaring tirhan – Mayor Palangdan

(Eagle News) —  Hindi na umano maaaring tirahan o pagtayuan ng bahay ang malaking bahagi ng bayan ng Itogon, Benguet. Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, sa isinagawang geo-hazard mapping ng mga otoridad matapos ang landslides dulot ng Bagyong Ompong noong Setyembre malaking bahagi ng naturang bayan ang idineklarang nasa critical danger zones habang ang ibang lugar ay may malaking tiyansa na makaranas ng ground movement. Kabilang sa mga lugar na idineklarang no-build zone ang […]

Bagong district jail ng Brooke’s Point, pinasinayaan

Ni Anne Ramos Eagle News Correspondent BROOKES POINT, Palawan (Eagle News) – Pinasinayaan sa bayan ng Brooke’s Point kamakailan ang bagong Brooke’s Point District Jail na matatagpuan sa Brgy. Tubtub sa nasabing munisipalidad. Ang naturang gusali ay itinayo mula sa inilaang lupa ng pamahalaang lokal ng naturang bayan na ipinagkaloob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng deed of donation. Ito ay sa bisa ng resolution no. 2017-87 ng pamahalaang bayan […]

Mahigit 20 na minahan sa Kabayan, Benguet, ipinasara

(Eagle News) — Ipinasara ng pulisya ang mahigit 20 minahan sa Kabayan, Benguet. Ayon Kay Police Inspector John Dangiwan, Deputy Chief of Police ng Kabayan Municipal Police Station, ito ay alinsunod sa “stoppage order” ni Environment Secretary Roy Cimatu laban sa operasyon ng lahat ng small scale mining sa buong Cordillera Administrative Region. Aniya, tinatayang aabot sa mahigit 50 small scale miners ang naapektuhan sa pagpapasara sa mga nasabing minahan lalo na sa Barangay Gusaran […]

MTC judge ng Alubijid, Misamis Oriental, nagpasalamat sa ibinigay na police escort

Ni Richard dela Cruz Eagle News Correspondent ALUBIJID, Misamis Oriental (Eagle News) – Personal na pinasalamatan ni Metropolitan Trial Court Judge Isagani Ravedaz ng Alubijid, Misamis Oriental si Gen. Timoteo Pacleb, ang Acting Director ng Police Regional Office 10, dahil sa pagbigay ng police escort. Ang nasabing hakbang ay kasunod ng mga pagpatay sa mga judge ng Ozamiz City na may hinahawakang malalaking kaso. Ito ay para na rin sa kaligtasan ng opisyal at mga […]