Storm signal sa Batac, Ilocos Norte, itinaas na sa Signal No. 2

(Eagle News) —  Itinaas na ng mga otoridad sa Signal No. 2 sa lalawigan ng Batac sa Ilocos Norte.

Nakadeklara na ngayon ang lokal na pamahalaan ng lalawigan na wala nang pasok sa paaralan ng Elementarya at High School, pampubliko o pribado sa araw ng bukas, oktubre 29 dahil sa Bagyong Rosita.

Ayon din sa isang Grade 8 student mula sa Batac Junior College, sinabi na rin ng kanilang principal na wala silang pasok bukas at sa araw ng Miyerkules.

(Eagle News Service Butz Asuncion)