“Very Good” satisfaction rating, napanatili ng Duterte Administration – SWS

MANILA, Philippines (Eagle News) — Napanatili ng Duterte Administration ang “Very Good” satisfaction rating sa huling bahagi ng taong 2016.

Batay sa survey ng Social Weather Stations, 73% ng respondents ang nasiyahan sa gobyerno, 12% ang di-nasiyahan at 15% ang hindi naman desidido.

Naniniwala ang respondents na “Very Good” si Pangulong Duterte sa pagtulong sa mahihirap, pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, paglaban sa krimen, pagbibigay trabaho at pagpapa-unlad ng science and technology.

Gayunpaman “Good” ang naging rating ng Pangulo sa di-umano’y extra-judicial killings.

Wala pang administrasyon ang nakakuha ng “Excellent” rating ng SWS survey.

Isinagawa ang survey noong December 3 -6 sa 1,500 respondents sa bansa.

https://www.youtube.com/watch?v=F0hbrg84r0A