Tunay na pagkakakilanlan ng suspek sa pagpatay sa siklista sa Quiapo, Maynila, natukoy na – MPD

MANILA, Philippines (Eagle News) — Opisyal nang inilabas ng Manila Police District Homicide Division ang tunay na pagkakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang bicycle rider sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa MPD, si Vhon Tanto na isang Army Reservist ang tunay na salarin sa krimen taliwas sa nauna nang lumabas na ulat na isang Nestor Punzalan ang suspek sa insidente.