Tubig at kabuhayan, problema pa rin ng Yolanda victims

(Eagle News) — Kabuhayan at water supply pa rin ang pangunahing kailangan ng mga biktima ng super typhoon Yolanda na inilipat sa resettlement sites sa Tacloban City.

Ayon sa lokal na pamahalaan, isinusulong nila ang agarang implementasyon ng water supply project at planong mag-imbita ng investors na magtatayo ng negosyo malapit sa resettlement sites.

Magkakaroon din ng construction ng terminal, palengke, health facilities at police stations na maaaring makapag-bigay trabaho sa mga residente.

9.8 billion pesos pa ang kailangan ng lokal na pamahalaan upang ganap na maiayos ang relocation sites at sa ngayon ay humingi na sila ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno at NGOs.

https://youtu.be/Mm0lWnc8j6w