Tinatayang P120-milyong halaga ng shabu at mga armas, nakumpiska ng NBI; 2 suspek, arestado

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dalawampu’t-apat ( 24)  na plastic bag ng shabu na umaabot sa halos 20- kilo at 25 mataas na kalibre ng mga baril at bala…ang nakumpiska sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dalawa sa mga suspek ang nadakip.

Tinatayang nagkakahalaga ng 120 million pesos ang higit labing-siyam na kilong shabu na nakuha sa dalawang suspect na nakilalang sina Edris Macalabo at Arvin Zapanta.

Inaalam pa ng NBI kung may kaugnayan sa terorismo ang mga droga at armas na nakumpiska at kung anong grupo kabilang ang dalawa.