Tag: Zamboanga City

Mga residente ng Sulu, lumikas dahil sa bantang pag-atake ng Abu Sayyaf

JOLO, Sulu (Eagle News) – Nagdulot ng takot sa mga residente ng Sulu ang umano’y banta ng grupong Abu Sayyaf na aatake sila sa Jolo na siyang pinakasentrong kalakalan sa buong lalawigan. Hindi na nagbigay ng pangalan ang mga pamilyang lumikas mula sa pantalan ng Sulu papuntang Zamboanga City sa takot na sila ang mapagbalingan ng mga bandido. Ayon kay Sulu Task Force commander, Brigadier General Cirilito Sobejana, Jr., naka deploy na ang kanilang mga […]

Pagsusuot ng mga sibilyan ng uniporme ng pulis at militar, mahigpit na ipinagbabawal

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Mahigpit na binababalaan at binabawalan ngayon ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga ang sinumang sibilyan na magsuot o gumamit ng mga uniporme ng pulis at militar. Sinabi ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na nagdudulot ngayon ng takot sa mga residente ng Zamboanga City ang mga taong nakasuot ng mga uniporme ng pulis at militar na hindi naman awtorisado, dahil na rin sa mga balitang posibleng nagtatago sa lungsod ang […]

Zamboanga City strictly implements “No ID, no entry policy”

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — The municipality of Sibugay, Zamboanga has implemented a strict “no ID, no entry” policy. The ordinance was issued after a special session of the municipal council, which also ordered the setting up of security checkpoints. Residents and non-residents of the municipality are advised to always bring their identification cards in line with the new measure. https://youtu.be/3E8cdU9AsGo

2 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, arestado sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Hindi na nakawala pa sa kamay ng awtoridad ang dalawang pinaniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf. Naaresto sina Saling Kisar y Sabbadin at Benhar Omar y Yusof na kapwa taga-Sulu sa inilunsad na joint police and military operation sa may Logoy Diutay, Brgy. Talon-talon, kamakailan. Mismong ang mga residente sa nasabing lugar ang nagbigay ng impormasyon sa awtoridad kaugnay sa pagpasok ng mga armadong lalaki sa kanilang komunidad. Nakuha sa dalawa ang isang […]

Zamboanga PNP, hinigpitan ang seguridad sa mga coastal barangay

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Inisa-isa ng mga tauhan ni Supt. Nonito Asdai, hepe ng Police Station-6 ng Zamboanga Police Office, ang pag-iinspeksiyon sa mga pumapasok na bangka na may mga pasahero mula Basilan at Sulu. Nais ni Asdai na matiyak na hindi magamit ng mga masasamang elemento ang kaniyang area of responsibility, lalo na ng mga sympathizer at supporter ng mga Abu Sayyaf na gustong takasan ang opensiba ng sundalo sa mga lugar na yun. Nagpasalamat naman si […]

Wesmincom, nangangailangan ng mga bagong sundalo

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Target marecruit ng Philippine Army ang  mahigit kumulang na 500 na bagong sundalo sa Mindanao. Nananawagan si Brigadier General Rolando Joselito D. Bautista ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Western Mindanao Command sa lahat ng interesado na mag-apply. “Kailangan kayo ng inyong army kaya huwag kayong mag-atubiling mag-apply,” wika ni Bautista. Ang mga maaaring mag-apply ay dapat na maging: Natural-born citizen ng bansa 18 to 26 years old at least 5’0 or 6’0 inches na taas […]

Isang coastal barangay sa Sulu, pinagtulungang linisin upang maging tourist spot

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib pwersa ang mga tauhan ng Sulu Task Force at Pamahalaang bayan ng Panlimatahil para linisin ang coastal barangay dito. Ito ay matapos madiskubre ng mga awtoridad na malaki ang potensyal nito para sa mga turista, dayuhan man o Pilipino. Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Sulu Task Force Commander, maraming mga lugar sa probinsiya ang kayang paunlarin ng mga Local Government Unit. Kailangan lamang nila ang puspusang suporta o manpower mula […]

Lider ng ASG na si Radulan Sahiron, nagbabalak umanong sumuko

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Matapos ang sunod-sunod na bilang ng mga pagpatay at pagsuko ng mga ilang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf, nagplaplano na rin umanong sumuko ang leader nito na si Sulu ASG Leader Radulan Sahiron. Ayon sa ilang sumukong miyembro ay nais na rin aniyang sumuko ni Sahiron. Sinabi ni Lt. Gen Carlito G. Galvez Jr., Commander ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Forces Western Mindanao Command na susuko si Radulan maging […]

US Ambassador Sung Kim bumisita sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Bumisita si US Ambassador Sung Kim sa Zamboanga City noong Huwebes, March 16. Buong higpit naman na ipinatupad ang seguridad ng siyudad dalawang araw bago pa ang mismong pagbisita ng Ambassador. Nais lamang ng kapulisan na matiyak ang kaligtasan ng kanilang panauhin sa pangunguna ni City Police Director Sr. Supt Luisito Magnaye. Pinangunahan din ni Magnaye ang isinagawang arrival honor ng Zamboanga PNP sa mismong bulwagan ng lungsod bilang parangal sa mataas […]

3rd batch ng Pulis scalawags na dinestino sa Basilan dumating na sa Zamboanga City

 ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Dumating na sa Edwin Andrews Air Base, Zamboanga City ang iba pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na ididestino sa isla ng Basilan noong Lunes, March 6. Sila ang mga pulis na tinaguriang “police scalawags” matapos masangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalaan sa National Capital Region (NCR). Sila ang pangatlong grupo ng mga pulis na ipinatapon ng pangulo sa Basilan bilang bahagi ng disiplina sa kanilang hanay. Unang dumating […]

Hinihinalang Abu Sayyaf members, sinalakay ang isang cargo vessel sa Tawi-tawi; 1 patay, 7 dinukot

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Isa na namang cargo vessel ang inatake ng mga pinaniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf habang tinatawid nito ang karagatan ng Turtle Island Municipality sa Tawi-tawi. Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng Armed Forces Western Mindanao Command,  isang mangingisda ang lumapit sa mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-8 kaugnay sa isang M/V Giang Hai na nagpalutang-lutang sa karagatan. Agad na dinala ng tropa ang naturang barko sa isang pinakamalapit na […]

Police scalawags susuportahan ng taga-Basilan para sa pagbabago ng mga ito

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Taos-puso umanong susuportahan ng mga taga-Basilan ang mga tinaguriang Police scalawags na dadalhin sa nasabing isla. Bagaman kaliwa’t-kanan ang batikos sa mga nasabing miyembro ng PNP dahil sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang gawaing iligal ay tutulungan aniya ang mga ito ng mga taga-Basilan para tuluyang makapagbagong-buhay. Ngayong darating na Martes, February 21 ay inaasahang darating na sa Basilan ang mahigit 200 Police. Sila ang mga tinutukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte na […]