Tag: Zamboanga City

Make-over ng pink sand beach sa Zamboanga, tiniyak

(Eagle News) — Nangako ang Department of Tourism na aayusin at gagawing moderno ang pink sand beach sa Zamboanga upang maka-akit ng mas maraming turista sa Mindanao. Ito ay matapos kilalanin ng National Geographic Magazine ang pink sand beach bilang isa sa “21 Best beaches in the world” na ikinalugod ni Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo. Itutuon ang development plans sa konserbasyon at preservation, Ang isla ay mahigit tatlong libong ektaryang marine reserve na pinaniniwalaang mas […]

27 na bihag hawak pa rin ng Abu Sayyaf sa Sulu – WESMINCOM deputy commander

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Ibinunyag ng bagong Commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Major General Carlito Galvez, Jr., na nasa 27 pang mga bihag ang hawak pa rin ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu. Ayon pa sa Heneral, pahirapan aniya ang kanilang operasyon sa naturang Isla ng Sulu laban sa mga bandidong grupo lalo na at ilan sa mga residente ay ayaw nang makipagtulungan sa mga […]

ASEAN kiosk, binuksan na sa Zamboanga City International Airport

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa Zamboanga City International Airport ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Kiosk. Ito ay upang makapagbigay ng kaalaman sa mga pasahero ng eroplano ukol sa iba’t-ibang kultura ng bawat bansa ng Asya. Mismong  si Presidential Communication Secretary Martin Andanar ang nanguna sa pagpapasinaya noong Sabado, Enero 28 sa naturang proyekto ng Philippine Information Agency (PIA) Regional Office-9. Ayon kay Andanar, sa pamamagitan ng mga nakalatag na babasahin at […]

Sta. Cruz Island sa ZamboangaCity kasama sa listahan ng 21 Best Beaches in the World

STA. CRUZ, Zamboanga City (Eagle News) — Labis ang kasiyahan ng mga taga-Zamboanga City matapos na makasama sa listahan ng pinakamagandang beach sa buong mundo ang Sta.Cruz Island. Ang Sta. Cruz island na nakilala dahil sa kulay pink na buhangin ay nakasama sa 21 best beaches in the world ng National Geographic. Maliban sa pink sand, ipinagmamalaki rin nila ang magagandang coral reefs sa isla at iba pang atraksyon. Sa ngayon ay bantay sarado ng […]

Tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group huli sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Tatlong pinaniwalaang tauhan ni Abu Sayyaf sub-lider Alhabshi Misaya ang nadakip sa isang Pension House, bandang 2:00 ng hapon nitong Lunes, October 3 sa Zamboanga City. Tatlong iba pa ang nakatakas subalit ang mga dalang granada, baril, at kasangkapang pampasabog ay nakumpiska. Agad namang dinala sa Zamboanga Central Police Office ang tatlong naaresto para isailalim sa masusing imbestigasyon. Ang mga kasangkapan pampasabog, granada, at baril ay nakumpiska sa Room 207 […]

Zamboanga City worries about norovirus outbreak

QUEZON City, Philippines – Zamboanga City is alarmed by the possibility of a norovirus outbreak, a highly contagious virus that results in stomach upsets like diarrhea. Four were reported dead due to said virus. (Eagle News Service Described by Jay Paul Carlos, Video Editing by Jericho Morales, Uploaded by MRFaith Bonalos)

Cloud seeding operations sinimulan na sa Zamboanga City

ZAMBOANGA City, Philippines — Para mabawasan ang epekto ng El Niño phenomenon sa Zamboanga City, sinimulan na ang cloud seeding operations sa nasabing lungsod. Ang cloud seeding na sinimulan kahapon ay tatagal hanggang ngayong araw. Ang Zamboanga City ay matatandaang una ng isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño na nararanasan sa lungsod. Samantala, isang mobile water treatment facility naman mula sa local water utilities administration ng lungsod ang ipinadala […]

Volunteer Teacher, kakasuhan

Isang volunteer Teacher sa isang public school sa Zamboanga City ang ipaghaharap ng kaso dahil sa pang-aabuso sa isang grade-6 pupil. Kaugnay nito, nag-iingat na ngayon ang mga paaralan sa nasabing lungsod sa pagkuha ng mga volunteer Teacher. Eagle News Correspondent Ely Dumaboc Report