Tag: Pangulong Duterte .

Pamumuno ni Pangulong Duterte, binigyan ng mataas na grado ng isang grupo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Binigyan ng mataas na grado ng isang grupo ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon sa bansa. Ayon sa People’s Initiative Towards Revolutionary Government, 96 percent ang grado na kanilang ibinigay sa Pangulo dahil sa pagtupad nito sa kanyang pangako na baguhin ang nakasanayang sistema ng bansa lalo na ang usapin sa war on drugs. Sa ganitong pamumuno ni Pangulong Duterte, dapat daw itong tularan ng iba. Dapat din […]

Ilang negosyante, nasisiyahan sa isang taong pamumuno ni Pangulong Duterte

Nasisiyahan ang ilang negosyante sa isang taong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Natutuwa anila sila sa paglaban ni Duterte sa katiwalian, ilegal na droga at sa kriminalidad. Ayon sa mga negosyante, importante ang mga ito upang magkaroon ng magandang pundasyon para sa pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa. Naghahanda na ang Malacañang ng accomplishment report kaugnay sa unang isang taon ni Pangulong Duterte.  

Maranao civil society leaders, nais makadayalogo ang Pangulo

Eagle News – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ang nais na makausap ng mga civil society leaders na Maranao ukol sa nagpapatuloy na bakbakan sa tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City. Ayon kay Ranao Rescue Team spokesperson Samira Gutoc-Tumawis, humihingi lang sila ng kaunting panahon ng Pangulo para maipresenta nila ang anila’y alternative views sa kung paano masosolusyunan ang gulo. Aniya, may mga bagay silang nais na direktang sabihin sa […]

Maute Group, sangkot sa iligal na droga ayon sa PNP

(Eagle News) – Kinumpirma ng Philippine National Police na may kinalaman sa iligal na droga ang Maute Group. Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa, bago pa man siya maupo sa kaniyang pwesto, nakatanggap na sila ng impormasyon na nagtipun-tipon ang karamihan sa mga drug lord sa Metro Manila, Luzon at Visayas sa Marawi City. Ayon  sa heneral, protektado ng Maute Group at mga narco-politician ang mga nasabing drug lord. Ibinunyag ito ni Dela […]

Pangulong Duterte, ‘di nagtungo sa cancer hospital sa Guangzhou, China – Bong Go

(Eagle News) — Itinanggi ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go ang lumabas sa isang newspaper column na nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa cancer treatment. Sa column ni Dating Senador Kit Tatad sa Manila Times, sinabi nitong maaaring nagtungo sa Fuda Cancer Hospital sa Guangzhou, China ang Pangulo nitong bagong taon. Ayon kay Go, wala itong katotohanan at hindi lumabas ng bansa ang Pangulo. https://youtu.be/feWfMfqewx4

Regional Rehab Centers itatayo para sa mga drug addict

Eagle News — Magkakaroon na ng ‘Rehabilitation Center’ sa bawat rehiyon sa bansa para sa mga susukong drug user at pusher. Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na kasama ito sa napag-usapan sa cabinent meeting ni Pangulong Duterte . Samantala, binubuo na rin ang ‘memorandum circular’ na naglalayong panagutin ang mga barangay at municipal officials sa paglipana ng iligal na droga sa kani-kanilang nasasakupang bayan o barangay. Inaasahang nakapaloob sa binubuong ‘memorandum circular’ ang mga […]