Ilang negosyante, nasisiyahan sa isang taong pamumuno ni Pangulong Duterte

Nasisiyahan ang ilang negosyante sa isang taong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Natutuwa anila sila sa paglaban ni Duterte sa katiwalian, ilegal na droga at sa kriminalidad.

Ayon sa mga negosyante, importante ang mga ito upang magkaroon ng magandang pundasyon para sa pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa.

Naghahanda na ang Malacañang ng accomplishment report kaugnay sa unang isang taon ni Pangulong Duterte.