Maranao civil society leaders, nais makadayalogo ang Pangulo

Eagle News – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ang nais na makausap ng mga civil society leaders na Maranao ukol sa nagpapatuloy na bakbakan sa tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Ranao Rescue Team spokesperson Samira Gutoc-Tumawis, humihingi lang sila ng kaunting panahon ng Pangulo para maipresenta nila ang anila’y alternative views sa kung paano masosolusyunan ang gulo.

Aniya, may mga bagay silang nais na direktang sabihin sa Pangulo at hindi sa pamamagitan ninuman.

Tumanggi naman si Tomawis na banggitin kung tungkol saan ito.