Maute Group, sangkot sa iligal na droga ayon sa PNP

(Eagle News) – Kinumpirma ng Philippine National Police na may kinalaman sa iligal na droga ang Maute Group.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa, bago pa man siya maupo sa kaniyang pwesto, nakatanggap na sila ng impormasyon na nagtipun-tipon ang karamihan sa mga drug lord sa Metro Manila, Luzon at Visayas sa Marawi City.

Ayon  sa heneral, protektado ng Maute Group at mga narco-politician ang mga nasabing drug lord.

Ibinunyag ito ni Dela Rosa pagkatapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pera mula sa iligal na droga ang sumusuporta sa teroristang grupo.

https://youtu.be/NS9z-o_kDS4