Tag: Metro news

34 katao arestado sa anti-criminality operation sa Pasay City

(Eagle News) — Tatlumpu’t apat na katao ang pinagdadampot ng mga otoridad sa isinagawang anti-criminality campaign sa makakahiwalay na lugar sa Pasay City sa nakalipas na magdamag. Ayon kay Supt. Deanry Francisco ng Pasay City Police, kabilang sa mga nadakip ang mga naaktuhang nag-iinuman sa kalsada na labag sa ordinansa ng lungsod. Mayroon ding nahulihan ng baril at mga bala. Dinampot din ang mga barker na nagtatawag ng mga pasahero sa mga hindi tamang sakayan. […]

3 pulis, 1 sibilyan na nangongotong umano sa mga junk shop sa Valenzuela, arestado

Ni Mar Gabriel Eagle News Service (Eagle News) — Pasado alas nuebe kagabi, Hulyo 31, nang maaresto sa entrapment operation ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force ang tatlong pulis Valenzuela at isang sibilyan na nangongotong umano sa mga junk shop sa lungsod. Nakilala ang mga pulis na sina SPO4 Seraffin Adante, PO1 Ryan Paul Antimaro, PO1 Rey Harvey Florano at ang sibilyan nilang kasama na si Amado Baldon Jr. Ayon kay CITF Commander PSenSupt. […]

Hinihinalang carnapper arestado sa Quezon City

(Eagle News) — Laking pasalamat ng isang car rental owner nang maibalik ang kanyang ipinarentang sasakyan matapos na ito ay macarnap. Hunyo 19 ng maifinal ang deal sa may-ari ng sasakyang si Joy, (hindi niya tunay na pangalan) sa kliyente nito na siya ring suspek. Kumpleto sa papeles ang kanilang naging transaksyon hanggang sa pinapirma nya ito ng car rental agreement. Matapos ito ay maayos na naisara ang transaksyon. Ayon sa biktimang si Joy, lumagpas […]

Mga tricycle na bumibiyahe sa nat’l road sa Katipunan Avenue, QC, hinuli ng LTFRB

(Eagle News) — Isa-isang hinarang ng mga operatiba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang mga pampasaherong tricycle sa kahabaan ng Katipunan Avenue partikular na sa CP Garcia sa Quezon City Martes ng umaga, Hunyo 19. Ilan sa mga naabutan ng I-ACT at LTFRB ay ang mga tricycle na punong-puno ng sakay na mga estudyante. Ang resulta nalate sa pagpasok sa eskuwelahan ang ilang mga estudyante na […]

Halos 1,000 tambay, arestado ng QCPD sa ilalim ng Oplan Galugad

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sa loob lamang ng halos tatlong araw na pagpapatupad ng panghuhuli ng mga tambay sa atas ng Pangulong Rodrigo Duterte. Aabot na sa halos isanlibo katao ang mga nahuli ng Quezon City Police District sa kanilang pinaigting na Oplan Galugad sa lungsod. Ayon sa otoridad, malaki ang maitutulong ng nasabing kampanya sa pagpapababa ng krimen sa lipunan. At dahil sa pagpapatupad ng disiplina ay maiiwasan ng mga kabataan ang […]

Babae, arestado sa buy bust operation sa Taguig

(Eagle News) — Sa kulungan ang bagsak ng bente sais anyos na babae matapos kumagat sa buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Taguig City, 12:00 ng hatinggabi Biyernes, Hunyo 1. Ayon sa kwento ng suspek na si Mobina Rovina napag-utusan lang sya ng isang alyas Muds na ihatid ang paper bag sa lugar na napagkasunduan kung saan kukunin ito ng isang nakataksi. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay droga pala ang laman […]

Babae, patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay ng dati nitong kasintahan sa Caloocan City

Suspek na pulis, nagpakamatay CALOOCAN CITY, Philippines (Eagle News) — Patay ang isang babae matapos na barilin siya mismo sa loob ng kanyang apartment unit sa Caloocan ng dati niyang kasintahan kagabi, Mayo 8. Nakilala ang biktima na si Lyka Jane Arciaga, 27 anyos, isang guro sa paaralan. Ayon kay Camilo Cascolan, hepe ng National Capital Region Police Office, nagpunta sa bahay ng biktima sa Kaunlaran Village, Brgy 22, ang suspek na si P01 Danilo Roa […]

Isang hinihinalang sniper ng Maute group, arestado matapos mag-amok at manutok ng baril

Mar Gabriel Eagle News Service Nagwawala pa habang may bitbit na baril ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng teroristang grupo nang arestuhin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Police Intelligence and Operations Units sa Cubao, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Unday Macadato na umano’y sniper ng Maute Group na kasamang nakipagbakbakan sa main battle area sa Marawi City. Natuklasan din ng mga awtoridad na pasok ang pangalan nang suspek […]

3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire, patay sa engkuwentro sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Tatlong hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group ang patay makaraang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Payatas, Quezon City. Sa inisyal na report mula sa Quezon City Police District (QCPD), nakarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa plano ng apat na hinihinalang hitman na targetin ang kanilang bibiktimahin sa lungsod. Agad na kumilos ang mga tauhan ng QCPD City Hall Special Traffic Action Group (STAG) para maharang ang plano ng grupo. […]

MRT operations are disrupted after train emits smoke

(Eagle News) — The operations of the Metro Rail Transit were disrupted on Friday afternoon, January 26, after a train started emitting smoke between the GMA-Kamuning and Araneta Center-Cubao stations. Authorities said the smoke started at 1:42 PM. Passengers were offloaded near Cubao station and were forced to walk toward the platform of the Araneta Center-Cubao Station. The fire was contained at 2:15 p.m. According to a report from the control center, the smoke came […]

Isang estudyante, arestado sa pagbebenta ng high-grade na marijuana sa QC

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Isang estudyante ang naaresto ng otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Aurora Boulevard, Quezon City, Huwebes ng gabi, Enero 18. Ang suspek ay nakilalang si Mikey Santos, 21-anyos, isang 4th year marketing student sa isang kolehiyo sa Mandaluyong. Nakuha mula kay Santos ang 10 sachet ng kush o high-grade na marijuana na tinatayang aabot sa Php 25,000 ang halaga. Ayon kay Senior Insp. Joel Cabauatan ng […]