QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Hindi na nakapalag pa ang Filipino-Pakistani na si Abdul Razak Bukhari nang arestuhin ng mga operatiba ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ginawang entrapment operation noong Martes ng gabi sa Quezon City. Nag-ugat ang reklamo mula sa dating karelasyon nito na tumanggi nang magpakilala matapos dumulog sa NBI ukol sa banta ng suspek. Sa imbestigasyon ng NBI, nagkakilala lang sa social media ang dalawa at […]
Tag: Metro news
Lalaking siyam na taon na nagtago dahil sa kasong rape, natunton ng QCPD Station 7
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang isang lalake na siyam na taon nang pinaghahanap dahil sa kasong rape. Kinilala ang suspek na si Edwin Santo, Top 2 Most Wanted sa probinsya ng Leyte. Ayon kay QCPD Station 7 Police Senior Inspector Ramon Aquiatan Jr., nakipag-ugnayan sa kanila ang arresting team mula sa Leyte dahil na rin sa impormasyon na sa Maynila nagtatago ang suspek. Dahil […]
Kalat ng mga dumalo sa Traslacion ng mga Katoliko, nagkalat sa lansangan
MANILA, Philippines (Eagle News) — Kabi-kabilang basura ang iniwang bakas ng mga sumama sa prusisyon ng itim na Nazareno ng mga kababayan nating Katoliko na ginanap sa lungsod ng Maynila kahapon, Enero 9. Samu’t-sari ang mga ito tulad ng mga bote ng alak, mga styro na karamihan ay may laman pang pagkain at mga plastic cup na binili hindi kalayuan sa isang convenience store. Mayroon naman mga street sweeper na itinalaga ang Metropolitan Manila Development […]
Police team leader sa Mandaluyong shooting incident, nag-AWOL
MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinalulutang na ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang team leader ng Mandaluyong Police na sangkot sa shooting incident na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang katao. Kinumpirma ni Dela Rosa na simula pa noong Huwebes ng nakaraang linggo, nag-Absence Without Leave na si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez. Sabi ni Dela Rosa, kung hindi lulutang at susuko si Vasquez, mapipilitan silang magsagawa ng manhunt operations laban dito […]
Lalaking walang habas na nagpaputok ng baril, arestado sa Cubao
CUBAO, Quezon City (Eagle News) — Isang lalaki ang arestado matapos ang walang habas na pagpaputok sa New York Street, sa Cubao, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Edmund Barber, 48 taong gulang na residente sa naturang lugar. Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 na si superintendent Christian dela Cruz, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Immaculate Concepcion tungkol sa isang lalaking apat na beses na nagpaputok ng […]
Magpinsan sugatan sa insidente ng hit-and-run sa Caloocan
CALOOCAN CITY, Philippines (Eagle News) — Nabiktima ng hit-and-run ang isang magpinsan sa Caloocan City. Ayon sa motorcycle rider na si Joey Moralos, papaliko na sana siya sa kanto ng Edsa at A. De Jesus para mag-u turn nang bigla na lamang silang banggain ng isang Mitsubishi Adventure, dahilan para pahulog sila ng kanyang angkas na si Joper Operario. Dahil sa naturang aksidente, malaki ang naging galos sa binti ni Moralos habang sa braso naman […]
Mahigit 900 pulis-Caloocan, balik serbisyo na
(Eagle News) — Balik na sa kanilang home station ang mahigit 900 pulis-Caloocan matapos ang kanilang isinagawang retraining program. Nagkaroon ng dalawang buwang reorientation at retraining ang mga pulis na ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Mahigit isang libo ang bilang ng mga pulis na sumailalim sa programa, pero siyamnaraan pitumpu’t dalawa (972) lamang sa kanila ang nakapasa. Mahigit isang daan naman ang bumagsak, kabilang ang mga inirekomendang i-assign sa labas ng Metro […]
Kaso ng riding-in-tandem, holdapan at nakawan, dumarami, ayon sa PNP
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sabay-sabay na iprinisinta ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga riding-in-tandem suspek na naaresto sa kanilang pinaigting na Anti-Criminality Operation. Kabilang na rito ang tatlong suspek na ito na inaresto ni PO2 Jomar Madarang noong Sabado ng hapon sa Project 6 sa Quezon City na nag-viral pa sa social media. Mga suspek, sinasabing nasa likod ng mga holdapan sa Quezon City Ang naturang mga suspek umano ang nasa […]
22-wheeler truck, inararo ang ilang sasakyan sa Batasan-San Mateo road; 5 katao kumpirmadong patay, 10 sugatan
BATASAN, Quezon City (Eagle News) — Lima katao ang kumpirmadong patay matapos araruhin ng isang trailer truck ang ilang sasakyan sa kahabaan ng San Mateo Road sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Huwebes, Oktubre 26. Dalawang kotse, isang pampasaherong jeepney, isang tow truck at isang motorsiklo ang niragasa ng 22-wheeler truck na minamaneho ng driver na nakilalang si Nilo Calimutan pasado alas kwatro ng hapon. Isa sa mga nasawi sa insidente na naipit sa tumagilid […]
Motor, pumailalim sa truck sa Mindanao Ave., Quezon City
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kahapon, Setyembre 12, pumailalim ang isang motorsiklo sa truck sa Mindanao Avenue, Quezon City. Ayon sa driver ng motorsiklo, magpapaayos sana siya ng sasakyan nang hindi niya napansin ang isang truck na nag-Uturn. Ayon naman sa driver ng truck, hindi rin aniya niya napansin ang motorsiklo dahilan upang pumailalim ito sa unahang bahagi ng truck. Nagtamo ng bali sa tuhod ang […]





