Tag: Barangay Chapel

Bagong gusaling sambahan sa Aklan, pinasinayaan; Barangay chapel naman sa Cagayan pinasinayaan din

Report by Ben Salazar (Courtesy of Eagle News Correspondents Joel Beltran, Cagayan & Alen Gementiza, Aklan) PINASINAYAAN ang isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Afusing, Alcala, Cagayan. Ito ay pinangasiwaan ni Kapatid na Augusto T. Galapon, District Supervising Minister ng Cagayan South. Samantala, isang bagong gusaling samabahan naman ang itinalaga sa Alvatas, Aklan. Ang pagpapasinaya naman ay pinangunahan ni District Supervising Minister ng Aklan na si Kapatid na Manuel A. Nasol, Sr.

Barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan Misamis Oriental; Bagong gusaling sambahan pasisinayaan naman sa Aklan bukas

Report by Judith Llamera QUEZON City, Philippines, Pebrero 11 — Isa na namang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Talisayan, Misamis Oriental. Ito ang pang limampu’t dalawang barangay chapel na naipatayo sa lalawigan. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni kapatid na Rio Castillo, Assisting District Minister ng Misamis Oriental. Samantala, nakahanda nang italaga ang isang bago at magandang gusaling sambahan ng INC bukas, Pebrero 12 sa ganap na ika-7:00 ng umaga sa […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela, pinasinayaan

By Judith Llamera Eagle News Service ISABELA (Eagle News) — Isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Angadanan, Isabela. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni INC Deputy District Minister, Brother Amor Mallari. Ang pagpapatayo ng barangay chapel ay nabigyan ng daan nang pumayag si Conrado Tacudin, kaanib ng INC na ipagamit ang kanyang lote upang mapagtayuan ng barangay chapel. Lubos ang kanilang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagkasangkapan sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Sandiat, Isabela

Mahigit dalawang kilometro mula sa pambansang lansangan ay matatagpuan ang bagong barangay chapel ng mga Iglesia Ni Cristo sa Sandiat , Isabela. Matagal na hinangad ng mga kaanib sa INC sa dakong ito na sila ay mapatayuan ng maganda at maayos na gusali , sa pamamagitang ng pamamahala ng INC ay ipangakaloob ng Diyos ang kanilang kahilingan. Pinangunahan ni kapatid na Daniel M. Castro, District Minister ng Isabela West ang pagpapasinaya sa bagong kapilya. Maagang […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Macabibo, Misamis Occidental

Buong kasabikang dinaluhan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang pagpapasinaya at pagtatalaga ng bagong barangay chapel sa Macibibo, lalawigan ng Misamis Occidental. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Bro. Benjamin O. Pelias, ang District Minister ng Misamis Occidental. Labis naman ang naging pagpapasalamat sa Panginoong Diyos ng mga kaanib sa nasabing lokal ang pagkakasangkapan sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat sa kahit sila ay nasa malayong dako […]

Barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Iloilo at Bohol

Sa pagtungtong ng unang buwan ng taong kasulukuyan ay patuloy ang pagtatayo ng mga barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Kaugnay nito, tatlong barangay chapel ang pinasinayaan sa bahagi ng Norte sa lalawigan ng Iloilo. Dalawa sa barangay chapel na ito ay matatagpuan sa barangay San Roque at Lumbia na sakop ng bayan ng Estancia. Matatagpuan naman sa barangay Tamange ang isa pang pinasinayaan barangay chapel na sakop ng bayan […]

Barangay chapel, ipinatayo ng Iglesia Ni Cristo sa Pampanga

Pinatayuan ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapel o gusaling sambahan ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa San Basilio, kanlurang bahagi ng Pampanga. Matatagpuan ito sa Quiratak Barangay San Basilio Sta. Rita, Pamapanga. Ang pagpapasinaya ng bagong barangay chapel ay pinangunahan ni Kapatid na Bedan l. Ubaldo, District Minister ng Pampanga West. Ang lote na pinagtayuan ng barangay chapel ay ipinagkaloob ng mag-asawang Edgardo at Catalina Galang. Sila ay mga maytungkulin […]

Pagtatayo ng mga barangay chapel, ipinagpapatuloy ng INC

Isa ang barangay Sibale sa labis na naaapektuhan ng bagyo Nona. Maraming ari-arian at mga tahanan ang nawasak, maging ang mga gusaling sambahan doon ay hindi pinatawad ng mapamuksang kalamidad. Bilang katunayang ginugugol ng Iglesia Ni Cristo ang kanilang mga natipong handog sa pagtatayo ng mga gusaling sambahan. Isa ang barangay Sibale, lalawigan ng Mindoro Oriental sa mapapatayuan ng bagong gusaling sambahan. Mahirap man at matrabaho ang paghahatid ng mga materyales doon sapagkat tawid-dagat ay […]

Isa pang barangay chapel sa Quezon, pinasinayaan din

Pinasinayaan ang pang-anim na barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo na matatagpuan sa barangay Magsaysay, Infanta, Quezon. Ang nasabing pagpapasinaya ay pinangunahan ni Kapatid na Isaias A. Hipolito, ang District Minister ng Quezon North. Lubos naman ang naging pagpapasalamat sa Diyos at sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo at nangako sila na patuloy na makikipagkaisa sa lahat ng aktibidad na inilulunsad ng Pamamahala ng Iglesia sa […]

Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Capiz pinasinayaan

Muli, isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa lalawigan ng Capiz. Matatandaan na noong nakaraang araw lamang ay pinasinayaan ang barangay chapel sa barangay Lawaan, Sitio San Jose. Ngayon naman ay pinasinayaan ang barangay chapel na matatagpuan sa West Villaflores, sa San Antonio Maayon, Capiz. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Kapatid na Ceasar S. Almedina ang District Minister ng Capiz. (Agila Probinsya Correspondent Andress Ocampo)