Bagong gusaling sambahan sa Aklan, pinasinayaan; Barangay chapel naman sa Cagayan pinasinayaan din

Report by Ben Salazar
(Courtesy of Eagle News Correspondents Joel Beltran, Cagayan & Alen Gementiza, Aklan)

PINASINAYAAN ang isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Afusing, Alcala, Cagayan. Ito ay pinangasiwaan ni Kapatid na Augusto T. Galapon, District Supervising Minister ng Cagayan South.

Samantala, isang bagong gusaling samabahan naman ang itinalaga sa Alvatas, Aklan. Ang pagpapasinaya naman ay pinangunahan ni District Supervising Minister ng Aklan na si Kapatid na Manuel A. Nasol, Sr.