Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela, pinasinayaan

By Judith Llamera
Eagle News Service

ISABELA (Eagle News) — Isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Angadanan, Isabela. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni INC Deputy District Minister, Brother Amor Mallari.

Ang pagpapatayo ng barangay chapel ay nabigyan ng daan nang pumayag si Conrado Tacudin, kaanib ng INC na ipagamit ang kanyang lote upang mapagtayuan ng barangay chapel.

Lubos ang kanilang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagkasangkapan sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo V. Manalo upang mabigyan sila ng magandang kapilya.

(Eagle News Service Isabela, Benjie Bautista)