Barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan Misamis Oriental; Bagong gusaling sambahan pasisinayaan naman sa Aklan bukas

Report by Judith Llamera

QUEZON City, Philippines, Pebrero 11 — Isa na namang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Talisayan, Misamis Oriental.

Ito ang pang limampu’t dalawang barangay chapel na naipatayo sa lalawigan. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni kapatid na Rio Castillo, Assisting District Minister ng Misamis Oriental.

Samantala, nakahanda nang italaga ang isang bago at magandang gusaling sambahan ng INC bukas, Pebrero 12 sa ganap na ika-7:00 ng umaga sa lalawigan ng Aklan.

Ang bagong gusaling sambahan ito ay ang magiging lokal ng Catmon na matatagpuan sa Barangay Catmon, Altavas, Aklan.

(Eagle News Misamis Oriental, Lerma Villaruel, Eagle News Aklan, Allan Gementiza, Description by MRFaith Bonalos)