Senator De Lima: “Wala akong kinalaman sa coup plot”

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tinawag na sinungaling ni Senator Leila De Lima si Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos siyang idawit sa umano’y destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang sinabi ni Aguirre na may reliable source siya na nagsabing ang Filipino American Philanthropist na si Loida Nicolas Lewis ang isa sa kumupkop kay De Lima nang magtungo siya sa Amerika noong Disyembre.

Si Lewis ang sinasabing isa sa mga umano’y kasabwat ni Vice President Leni Robredo para patalsikin ang pangulo.

Pero ayon kay De Lima wala siyang kinalaman sa umano’y coup plot.

Hindi rin aniya si Lewis kundi ang mga organizer ng Foreign Policy na nagbigay sa kanya ng award ang nag-ayos ng kaniyang accommodation sa Amerika.

https://www.youtube.com/watch?v=gqG3JdwLE-s