Senate probe sa $81-million money laundering scam, tinapos na

(Eagle News) — Tinapos na ng Senado ang imbestigasyon nito sa nangyaring pagnanakaw sa Central Bank ng Bangladesh na nagkakahalaga ng 81 million dollars.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee sisimulan na nila ang pagbalangkas ng report sa susunod na linggo para maging batayan sa pabalangkas ng mga panukalang batas.