Senado, ‘di pinagtatakpan si De Lima’ – SP Pimentel

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi raw pinagtatakpan at pino-protektahan ng liderato ng Senado si Senador Leila De Lima.

Ito ang iginiit ni Senate President Aquilino Pimentel sa harap ng mga depensa na hindi maaring sumunod si De Lima sa inisyung show cause para magpaliwanag sa umanoy pagpigil na mapaharap ang kanilang imbestigasyon si Ronnie Dayan.

Iginiit ni Pimentel na may sariling patakaran sa pagdisiplina ang Senado batay sa itinatakda ng saligang batas.