Sen. De Lima, umaapela ng privacy

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umaapela na si Senadora Leila De Lima ng privacy sa kaniyang personal na buhay. Kasunod ito ng mga inaabot na batikos matapos amining nagkaroon ng relasyon sa kaniyang dating driver na si Ronnie Dayan.

Iginiit ni De Lima na hindi naman nakaka-apekto ang kaniyang personal na buhay sa kaniyang trabaho sa gobyerno at hindi na ito dapat bigyan ng malisya.

Iginiit ni De Lima na nasagot nya na ang lahat ng isyu hinggil dito at sana raw ay irespeto ang kaniyang right to privacy.

Wala rin aniya itong kinalaman sa ibinibintang sa kanya, kaugnay ng pagkakasangkot sa drug operations sa New Bilibid Prison at handa nyang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya.