Reinstatement ni Supt. Marcos, di na kailangan ipaliwanag – Duterte

MANILA, (Eagle News) — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangang magpaliwanag pa kung bakit ibinalik sa puwesto si CIDG Region 8 Chief na si Superintendent Marvin Marcos.

Aniya, bilang chief executive nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan ang pulisya.