Pulis at militar, walang kinalaman sa extrajucial killings – Pangulong Duterte

Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga pulis at militar ang nasa likod ng umano’y extra judicial killings sa libo- libong katao na napapaslang mula nang maupo ito sa pwesto noong buwan ng Hulyo.
Sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon sa Tarlac, mariing itinanggi ng pangulo ang mga aksusayong ipinupukol dito.
Sa tala ng Philippine National Police, dalawang libo at apat- katao na ang napapaslang ng mga pulis sa gitna ng operasyon kontra droga dahil sa self defense mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte.
Dahilan ito para batikusin naman siya ng human rights groups dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
At hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang katibayan na pakana ng pamahalaan ang naturang mga insidente batay na rin sa report ng senado tungkol sa naturang usapin.
Magugunitang mismong ang pangulo pa ang nag- alok ng P3 milyong  pabuya para sa ikadarakip o makakapaslang sa mga high-profile drug lord.
Panoorin ang kabuuang detalye sa report ni Sophia Okut:

https://youtu.be/yfegvcQU6Xw