Publiko kinalma ng Malacañang sa posibleng terror attack sa Metro Manila

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Malacañang ang kaligtasan ng publiko kaugnay ng posibleng pag-atake ng mga terroristang grupo sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kontrolado ng pamahalaan ang seguridad sa buong kapuluan matapos matuklasan ang improvised explosive device Sa Roxas Boulevard malapit sa US Embassy sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay andanar hindi dapat maalarma ang publiko dahil nakatutok ang security agencies ng pamahalaan.

Inihayag ni Andanar, hinigpitan na ng Philippine National Police ang seguridad sa mga matataong lugar tulad ng mga bus terminal, paliparan, pantalan at mga shopping mall.

Niliwanag ni Andanar na maging ang mga business establishment ay bantay sarado rin at nananatiling normal ang mga negosyo sa bansa.

https://youtu.be/CXF-Umlw3nQ