Prime Minister Shinzo Abe, magtutungo rin sa Davao City

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hinandugan din ng pangulo si Prime Minister Shinzo Abe ng isang state dinner sa Rizal hall ng palasyo ng Malacañang.

Pagkatapos ng dinner ay nagtungo sa Davao sina Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Abe.

Si Prime Minister Abe ay nasa bansa para sa dalawang araw na official visit at siya rin ang kauna-unahang Head of State na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte Administration.