PPCRV unofficial counting, tinapos na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tinapos na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kanilang unofficial counting para sa nakaraang halalan.

Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta De Villa, hinintay lang nila ang huling batch ng mga certificate of canvass mula sa Lanao dahil mahalaga itong mai-tally para sa mga crucial positions bago ang proklamasyon.

Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang trabaho sa kanilang command center sa lungsod ng Maynila.

Tututukan din nila ang isasagawang manual audit.